|
| Tuesday, April 04, 2006 |
| kwentong kababalaghan |
naniniwala ka ba sa mga kababalaghan? sabagay, marami dyan ang tataas ang kilay kapag kababalaghan na ang pinag-usapan. lalo na sa mga pa-macho ek-ek na kung hindi rin lang nila makikita ng sarili nilang mga mata ay di maniniwala.
sige.. ok lang. pero ako, may wento.
dati kasi, nung kabataan ko, mga sampung taon na ang nakakaraan (arekup!), may pangyayari sa buhay ko na di ko malaman kung ano ang pinag-mulan. basta na lang akong nahihirapang huminga at maninigas na lang at sisigaw ng darna kelakas-lakas.
isang araw, etong si inang ay sinimplehan ang isa kong tiyo na tila may magic na kakabit sa buhay. nilagyan ni tiyo ng dalawang palito ng posporo ang mga daliri ko sa paa kong mala-luya. shempre, ang unang reaksyon ko ay! ano yan? ooopss! sabay tanggal ng mga daliri ko sa posporo at inilalayo ang aking mga paa. bakit? ano yan? nakangiti si tiyo. basta daw. tas inutusan ako na pagtabihin ko raw ang daliri ko sa kamay at pagtapatin ang mga guhit nito. at tila may nabuong kongklusyon si tiyo ko. ilang araw makalipas ang posporo-palito-pitong event, dinala ako sa bulacan ni ama't ina. manggagamot daw. hhmmm... maraming seremonyas. gabi na ng kami'y nakarating sa bahay ni "Ama" sa baryo tarcan sa tibag, baliwag. "ama" kung tawagin pero babae sya. naiinip na ako dahil nga hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa namin doon at kung bakit kami naghihintay sa loob ng sasakyan. ng walang anu-ano, eto na po ako ulit. nahihirapan na namang huminga at unti-unti ng naninigas ang katawan.
wala silang nagawa kundi ipanhik na ako sa loob ng kabahayan. may naririnig akong maraming tao, nagkakantahan habang ako ay naninigas at nagsisisigaw na tila sinasaniban ng masamang elemento at tila init-na-init sa loob ng kabahayang iyon. di nagtagal, hinarap na ako ni "ama". pinatayo ako sa harapan nya. ipinatong nya ang kanyang dalawang kamay sa magkabila kong balikat. sus mio! ke bigat pow! tila di kaya ng powers ko! pinaluhod ako at hawakan ko raw ang kanyang mga binti. hhmm... ano ga ire? di kaya ako niluluku nito?
matapos ang mga seremonyas, nagbukas ng ilaw at kami'y hinarap ni "ama". ano raw ba ang nakita ko habang aking hinahawakan ang kanyang mga binti.
"maitim po" sabi ko naman.
nagbulungan ang mga tao sa paligid.
"naku! si apo nazareno ang sumanib kay ama".
ha? errr... ano daw?
"nung nakapatong mga kamay ko balikat mo, ano naramdaman mo?" tanong ni "ama"
mabigat po.
"pero di talaga iyon nakapatong. nasa ibabaw lang ng mga balikat mo mga palad ko." tugon ni "ama".
ho? bumulong naman nanay ko. tunay nga daw na di talaga nakapatong.
nakailang balik din kami sa baryo tarcan. isang hapon, yung medalyon na binigay sa akin ng aking tiyo ay "binindisyunan" ni "ama" sa harap ng isang kwadro na kung saan ay naka-larawan si apo nazareno. nagdadasal at nagbububulong si "ama" at kami naman ay nakaharap din sa kwadro. maya-maya, naramdaman kong yumanig ang kinatatayuan namin. umuga na parang may lindol. at habang walang kurap akong nakatingin sa kwadro, di ako makapaniwala sa aking nakita. may mga tubig na tila wisik ng bendita ang mukha ni apo nazareno gayong wala naman winisik si "ama".
hindi pa rin ako makapaniwala, pinunasan ko ang kwardro sa pamamagitan ng aking mga daliri. sabay awat sa akin ni inang. "psst uy! bakit? ano ginagawa mo?" bulong ni inang. kasi may nakita akong basa. parang binenditahan. sinipat nila. oo nga raw. ngingiti-ngiti si "ama".
at yun ang medalyon na syang gamit-gamit ko sa panggagamot sa probinsya ng inang ko sa bataan. |
posted by kiwipinay @ 4/04/2006 03:33:00 AM | |
|
|
|
|
|
|