| Friday, January 13, 2006 |
| three strikes and you're out! |
okay ang bagong batas na ipinatutupad sa mga drink-drivers ah! sa taas kasi ng statistics ng mga sakuna sa daan na ang majority na may mga sala ay mga drink-drivers.
kapag sa loob ng apat na taon ika'y nakasuhan ng drink-driving, hihilahin ang iyong sasakyan at ii-impound ng 28days hanggang mabayaran mo ang iyong mga fines.
sa first offense, papatawan ka ng court-imposed penalty. no doubt about it. siguradong malaki ito. dun nga lang sa mga speeding tickets, mababa na ang $80. kino-compute pa nga iyong kung gaano ka-over sa maximum ang iyong takbo, iyun ang iyong fine.
sa second offense, automatic na suspindihin ng mga pulis, pulis ang iyong lisensya sa daan pa lang. halimbawa, na-tyempuhan ka na ma-spot check ng mga pulis at napatunayan na drink-driver ka, di mo na maimamaneho pauwi ang kotse mo. either ipagmaneho ka ng kasama mo (kung mayroon ka mang kasama sa mga sandaling iyon na pwede), or tumawag ka ng s.o.s. sa bahay nyo para sunduin ka, or maglakad ka pauwi. ehehehehe....
pangatlong offense, mai-impound na kotse mo sa loob ng 28 days, suspindido lisensya mo ng isang taon, at kailangan mong mag-take ulit ng driving test. at!!! sa lahat ng mga offences na ito, may mga karampatang halaga ng court-imposed penalties.
halimbawa naman, after ng 28days, pwede mo ng bawiin kotse mo, di ba? kaso naman, di ka pa nakakabayad ng mga penalties mo na abot na hanggang leeg mo, ayun! pwede ng ibenta ang kotse mo after 10days pambayad utang. naykupu!
naaala ko tuloy yung isang cliente namin. ang laki ng utang sa tax. imposible na nga talagang mabayaran sa lifestyle na rin nitong tao na ito. aba! nakatagpo sya ng case officer na pilit pinagdidiskitahan ang kanyang residential property. nasa prime lot ang property. kung nga namang ibebenta nya iyon, mababayaran nya ang kanyang utang sa tax at makakabili pa sya ng isang bahay na yun nga lang, sa medyo mumurahin ng area. ang malaking problema, hindi alam ng asawa nya na ganun na kalaki utang nya. ayaw ipaalam. kaya ayun! hanggang ngayon ay nakikipag-ayos pa rin kami sa gobyerno para bigyan pa sya ng chance dahil di nga alam ng asawa. malamang-lamang ay bugbog sarado sya sa kanyang asawa. mukha pa namang ang tapang ng asawa nya. nye! chizmax na naman!!!!
ay nako! dapat nga dito sa mga drink-drivers na ito ay wala ng third offence! dapat ay mas matinding penalties na sa first offense pa lang para magtanda.
eh paano kaya kung eating while driving? minsan kasi, nagugutom na ako at kumukutkot ako ng biskwit habang nagmamaneho. di kaya ako mahuli nun? |
posted by kiwipinay @ 1/13/2006 05:48:00 AM | |
|
|
|
|