| Wednesday, January 04, 2006 |
| pahirapan na |
nakasagap ako ng chizmax nitong holiday season. pahirap na raw ng pahirap ang makapasok dine sa nz.
wala na raw yung tinatawag na PR. dadaan ka muna sa work permit to PR. meaning, mega work ka muna ng two years, saka ka makapag-apply pa lang ng residency after 2 years. pero good news naman for those who applied after december 21, '05. 6months na lang ang hihintayin mo bago ka makapag-apply ng residency. ang kaso nga laang, kung nag-apply ka prior to dec. 21, andun ka pa rin sa 2-yr period na paghihintay bago ka makapag-apply ng residency. gulo no? bakit kaya di na lang nila automatic eh lahat 6 months na lang kaya? tsk! tsk! tsk! sayang ang panahon.
tapos pa kamo, ngayon, kailangan na ng show money. yeah... money! money! money!!! a-ha! eto nga kamo. may isang pamilya, pinakitaan na ng 600th pesoses na show money sa case officer. di pa daw na-aprubahan. nanghiram ngayon itong pamilya na ito pa ng patubuan ng halagang 200th pesoses. so, naging 800th pesoses ang kanilang show money na de va? kaso, talaga ni-check naman ng immigrations ang mga banko kung totoong may ganitong halaga ang applicant sa banko. shempre, alam mo na.. baka the wonders of cm recto lang ang mga certificate kuning de vah? ang siste, gaano ba kabilis magsipag-check ang kabaranggayan ng mga migrante? matagal di ba? kaya ayun! sa tagal, hindi mai-withdraw ng pobreng pamilya ang 200th para maisoli na sa pinagkakautangan. kalabas-labasan, ang inutang na 200th ay tumutubo na raw sa ngayon ng halagang 75th pesoses. tsk! tsk! tsk! ganun na ba talaga kaherap ang buhey sa pinas? di baleng maipangutang, makaalis lang sa inang bayan.
pero eto lang ha? nz is not a bed of roses. talagang patibayan na lang ng debdeb dito. gaya nga nung isang pinay na nakilala ko rito na kumikita na ng 6-figures sa pinas na ngayon ay mataas lang ng kaunti sa minimum ang kita. umiiyak sa akin. nanliliit daw sya sa kanyang pagkatao ngayon. pero ano pa ba ang magagawa nya. she's doing this for her love for her husband and kids. malaki ang isinakripisyo nya. ang payo ko na lang sa kanya ay tibayan na lang nya ang loob nya at tanggalin ang self pity sa sarili (ehehehe...) kundi, walang mangyayari. sayang ang luha. kaya kung may magagawa nga lang ako para malibang sya, ginagawa ko. kaya ayun... mistula akong driving instructor ulet at tinuturuan ko syang magmaneho kapag may time din lang kapag weekends. as usual, common mistake ng mga pinoy sa pagmamaneho, imbes na signal light ang kalabitin, yung sa wiper ang nakakalabit. nye! tas nung papasok kami sa rotonda, dapat ay pa-clockwise ang pasok, ayun, umariba ng counter clockwise at feeling nasa welcome rotonda yata sa may u.d.m.c. naloko na!
para dun sa mga nagbabalak na makarating dito, kung di matibay ang loob mong sumabak sa pakikipagsapalaran, better yet ay pumirmi ka na lang muna sa pinas. dahil malamang-lamang sa alamang, hindi mo talaga makukuha agad dito ang trabahong iiwanan mo sa pinas. swertihan na lang siguro, ika nga.
but on second thought, kung ako naman ay may 800th pesoses sa pinas, bakit naman kaya ako aalis pa ng pinas noh? |
posted by kiwipinay @ 1/04/2006 01:11:00 AM | |
|
|
|
|