| Thursday, January 05, 2006 |
| kung ano ang puno, syang bunga |
kagabi pag-uwi galing sa trabaho ng flatmate kong babae, ibinibida sa akin na masakit daw ang kanyang pwet (puwet ba o pwet?) bakit kako. eh kasi raw, sinipa daw sya ng ke-lakas ng kanyang asawa. hanggang daw sa trabaho ay nahihirapan syang makaupo sa sakit.
di yata sipa yun kundi tadyak na? hahahaha! tanong ko naman si asawa kung bakit nya sinipa asawa nya. opo, para akong baranggay chairman dito sa bahay na ito. sumbungan ng kanilang mga nakaka-sorang buhay. kung bakit kaya di na lang maghiwalay ang mga lintak!
sabi ni lalaki, nabuset na daw syang todo sa kanyang asawa sa sobrang katamaran. napataas ang kilay ko at totoo naman pong napakatamad na babae itong flatmate ko. kahit magpakain lang sa anak na dalawang taon, iniaasa pa sa asawa. ito raw si babae, hanggang alas tres ng madaling araw nanonood pa ng tv. tas tanghali na raw ay ayaw pang bumangon para makakain ang anak na maliit. pilit na ginigising ni lalaki, ayaw bumangon. nung bumangon naman daw ay tv na naman daw ang inatupag. gayong si lalaki, ang dami ng nagawa sa bahay.
ayun! sa buset nga daw ni lalaki ay sinipa sa pwet si babae. sa sobrang sakit naman daw, ayon kay babae, kinuha ang rolling pin sa kusina at syang hinambalos din sa pwet ni lalaki. maiyak-iyak naman daw sa sakit itong si lalaki dahil masakit din di hamak ang rolling pin, di ba? sa aktong nag naghahambalusan ang mag-asawa, ang anak na paslit na mahigit lang namang dalawang taon ay tumakbo to the rescue para sa ina. kinuha ang ice cream scooper na gawa sa stainless steel ha? at syang ipinupukpok sa ulo ng ama.
pambihirang pamilya kayo, oo, ang nasabi ko na lang sa kanila. pare-pareho kayong mga bayolente! ultimo batang paslit, nakiki-ramble na rin sa kanila. kaya tuloy itong batang ito ay sobra naman talagang pasaway. sya rin nyang nakikita sa mga magulang. kahit nga ilang ulit mo na paluin ang bata, walang katinu-tino. immune na yata sa mga palo, kurot at sipa ng mga magulang. haaayyy!!!
tinuturuan ko na ngang tumawag sa pulis ang bata. minsan, kapag kumakain ako, makikipagkwentuhan sa akin. sasabihin nya,
"mommy macked me". smacked daw.
what did you do? maybe you were naughty.
"no... im a gu gel" (im a good girl daw)
where did mommy mack you?
tas ipapakita nya yung braso nya, o kaya yung hita nya, puro black and blue sa kurot ng ina.
ok.. next time mommy mack you, you call the police, aye?
tas tatango ang bata.
you know how to use the phone, right?
tango sya ulet.
you pick up the phone and dial 111, ok?
ok.
kaso, eto nga at pati ang bata ay bayolente na rin. matuk mo pang makagawa ng paraan na kumuha ng kanyang sandata pamukpok sa ama? tsk! tsk! tsk! |
posted by kiwipinay @ 1/05/2006 10:13:00 PM | |
|
|
|
|