a repeat in less than a week
it's sunday. thank god, two consecutive days of raining had stopped. but the weather was still out and about, raining every now and then in some areas. since today is the last day of redeeming the coupon which a client gave me for some music CD's, i decided to have a walk down the mall. it's good the music shop has a branch in this mall which is just walking distance to where i live. the coupon costs $10. big time! well, music CD's here are quite expensive. more often than not, i don't even know who the artists are. i like to listen to music. i love to sing. but my memory is bad when it comes to artists and lyrics. i can sing a song only on KTV's where i will be able to read the lyrics as i sing along. other than that, don't ever attempt at ask me to sing impromptu. i wouldn't be able to without the lyrics.
going back, on my way to the mall, the music shop is just outside the mall. heaps of CD's, can't even decide which one to choose. some are less than $10, others are as high as $33. wow! $33 for a guy sebastian thingie! his CD is even more expensive than clay aiken's which is only $20! i wonder why they don't have ruben studdard's. i opted for simon & garfunkel's. it has 2 CD's with 20 songs in each CD. originally $34.95, now on special for only $19.95 and i paid only $9.95 for a $34.95 value. fair enough!
i decided to stroll around the mall. wow! heaps of bargains! what a great time to buy those summer clothes! i passed by a men's shop and was surprised to see those halleinstein shirts only for $9.95! i bought some for my brother without any idea how i am going to send those to him. never mind! sending them thru another filipino is not in my thoughts. no way! then i came across this cool winter jacket! i don't know if there has been some mistake but it was only $20 so i grabbed it. im wearing it right now coz it's cold tonite. enough of those so i decided to go home. on my way out, i saw a book shop. since it was only 3pm, i decided to get in and have a look. calendars are all on specials! now for only $1. ha! i used to have them free in my country from my clients from the bank. now i have to buy a calendar! and my weakness! arts & craft books. ive been trying to hang on to my purchases only to find out, all of them are for another discount at the checkouts. yay! big bargain! okay! this time for real. on my way home, i decided to get my car and go to the supermarket. but bumbastik was already home and his van is now parked behind my car. dang! i feel uneasy if i will tell him that im using my car. so i asked him if he's still leaving. he said no. ouch! i just kept quiet. i just thought i can just do the shopping tomorrow. but then again, while i was inside the room, i heard the front door opened and heard him left. i checked it out, he's gone. i hurriedly fixed myself and decided to have a short run to the supermarket. picked up my bag, my keys, set the security alarm of the house and off i went to the shop.
as soon as i got home, i unloaded my boot, two shopping bags on both hands went straight to the kitchen, went back to the boot, picked up the remaining bag, shut the boot and went back to the kitchen. i was feeling hungry so i decided to have some toasted bread and butter and coffee. when i thought to myself im full, i decided to start getting ready to cook for dinner. i went back to my room to get something when suddenly halfway to my room, i just heard a loud sound! weeeeeeeee!!! the security alarm of the house went on! for some time, i was stucked in the middle of the hallway, unsure what to do next! i just suddenly went blank! i went to my flatmate's room with the hope of getting his mobile phone's number only to see his mobile phone sitting on his desk. dang! the alarm was bloody loud and it was really cracking my eardrums! i was at a lost! shall i just wait till it stops? i know it will but until when? then i realized i know the code. shall i just key in the code? i tried but the alarm won't stop! o-ohh!!! im in trouble! i can see some neighbors coming to the rescue! dang! i need to shut this alarm off or they will think i am a burglar! key in! key in! code, code, code! it won't work. i was so rattled! start again! armed! no, not armed! release it! code-code-code-code! poof! whew! it went off! holy cow! and i can see the neighbor calling my flatmate's name, i think. but they know my flatmate's not home coz his van is not parked along the driveway. the're another neighbor who blocked the driveway with his car just in case there is really a burglar in this house and they won't be able to get away! dang! 2 cute guys coming to my rescue! ahahahahaaaayyy!!! as soon as the alarm went off, i checked these two guys and opened the door. i explained to them it was my fault and i forgot to un-arm the alarm. and they were both laughing at me. yeah right! i was too, for a moment. so i said thank you to them and locked myself again inside. but they were still there along the driveway. maybe they thought my car is the get-away car. yeah, right! their car is still blocking the driveway. aawww!! what a beautiful burglar they saw! ha! after an hour or so, iy heard my flatmate arrived home. i explained to him what happened and how the neighbors came to the rescue. he said he'll just go to the neighbor's house tomorrow and explain to them. coz these neighbors for sure seldom see me or shall i say, they don't really see me come and go. but i was explaining to my flatmate how come i passed by the hallway twice from my car yet the alarm didn't turn on. he said he'll check on the alarm tomorrow. it was really funny. i even ate at the dining room. i can just imagine if there was indeed some burglars in the house, they will be able to dine in first before they load the stuffs. big time! 
posted @
2/29/2004 11:30:32 PM |
|
basang sabado
di ko na labs ang sabado! aba! biyernes pa lang ay humaharabas na ang lakas ng hangin at sumabay na nga ang buhos ng ulan! wala ng tigil hanggang buong araw hanggang gabi ng sabado! at sa mga sandaling ito, mga kababayan, patuloy pa rin pong bumubuhos ang ulan sa dakong silangan. mag ambisyon bang maging radio announcer? kung gaano kami humarabas ng boss ko nung biyernes, eto naman ang ulan. tila ayaw ng tumigil! pero saan ka? di iyon naging dahilan para mamirmi ako sa aking munting parisukat! eh kasi wala yung dalawa kong flatmates. sinamahan ni bumbastik si babae na magtitingin ng damit pangkasal. ang gulo talaga ng dalawa. sarap pag-untugin! nabato ako at naisipan kong mamasyal sa kahabaan ng commercial centre sa pinapasukan kong trabaho. eh kasi naman, pag weekdays, di ako nakakapamasyal dahil pag labas ko galing trabaho, sarado na mga tindahan. 6pm lang, sarado na nga tindahan at yung pinakamalaking mall, 5pm lang. pag sabado, minsan naman ay kinatatamaran ko at masarap ngang mamirmi lang sa bahay. pag linggo naman, lalo namang sarado ang mga tindahan. ngayon sanang weekend ako nakagayak na mamasyal. ang lakas naman ng ulan. naalala ko naman din yung binigay na coupon ng isang cliente sa isang tindahan ng mga cd's. kaso lang, expiry nya ay hanggang linggo na lang, which is today na nga. naiwan ko naman yata sa drawer ko sa trabaho. sinubukan kong tawagan ang opisina. nagulat pa ako ng sumagot ang boss ko. sabi ko nga ay may nakalimutan ako kuning. only to find out, nasa bag ko na pala. tsk! tsk! tsk! malala na. makakalimutin na ako talaga! naisipan ko na ring ituloy ang pamamasyal ko sa commercial centre tutal ay naroon na ako. naku po! ang payong mo ay masisira lang sa lakas ng hangin. naka jacket nga ako ng pang-ulan. wala rin. nabasa rin ako syempre. tapos nun, ikut-ikot, bili ng kaunti, at bumalik na ako sa opisina dahil doon ko iniwan ang sasakyan ko. ng bigla ko namang naisipang mamimili pala ako ng gulay para pang sahog sa lutuin kaya nagpaalam na ako sa bossing ko. sa lakas naman talaga ng ulan, pagparada ko dito sa bahay, di ko na nagawang kunin ang pinamili kong mga gulay sa boot. ayun! hanggang ngayon ay andun pa rin sila. wawa naman.
o sya! meme na ko. antok na ko talaga. happy weekevend, everyol!
posted @
2/29/2004 01:23:33 AM |
|
search keywords
eto matagal ko nang gustong gawin eh. inaapuntahan lang ako ng katam (katamaran) kaya natagalan. marami na akong nabasahan na blog na may ganito at sadya naman nakakaaliw din minsan. sige na nga at gagawin ko na ngayon. inaantay ko pa yung minarinade kong steak na tumalab kaya balik ako dito sa computer. naka-special kasi ang steak kaya nakabili ako. sarap!
1) sikreto ng makati - ako, alam ko. pero di ko sasabihinnnn... sikwet!!! sikreto nga eh! 2) kwentong kababalaghan - maraming ganito. marami rin akong kwento na ganyan 3) Ruffa Guttierrez - wala si ruffa dito! andun sa istanbul, di ba? 4) tayo'y mag ocho-ocho - ayaw ko nyan. di ako marunong nyan 5) kastila - por que? habla español? como estas? muy bien! tambien! hasta la vista, babe! 6) kwentong nakakatakot - tumingin ka sa salamin, may kwento ka na 7) jojo veloso video - naman! aanhin ko naman si jojo veloso? 8) kilikili - oist! mabango yan ha? 9) kiwipinay - ooppsss... you're on the right spot! sino kaya naghahanap sa akin???? 10) kahit kailan free nokia ringtone - wala akong ringtone dito. 11) buong istorya ng tangin yaman - naman o!!! punta ka sa abs-cbn. dun mo i-research hindi sa blog! 12) how to install chikka - hay naku! ako rin ay nahihirapan. pag nalaman mo na, balik ka dito, hane? 13) pilipino blogs in singapore - wala po ako sa singapore. down under nga eh 14) ina ngunit hindi asawa - ano daw? di po ako isang ina at wala po akong asawa. 15) di ko na kaya - ang alin? 16) dahilan ng mga katamaran ng mga pilipino - naku! maraming dahilan! 17) webcam captured pinay - ahihihi... wala po dito ang mga webcam photos ko. nasa ibang site. pero sikwettt!!! 18) magandang tanghali bayan mahal picture - pati ba naman si mahal, sa akin pa hahanapin? pero totoo nga bang di ba daw de-virged si mahal? bwahahahaha!!! loko talaga si willie revillame! 19) bb. pilipinas candidates 2004 photos - patay tayo dyan! iba pong photos ng mga candidates ang andito. yun pong swimsuit category lang. nyahahahahah!!! 20) kwentong mga pilipino nagtatrabaho sa ibang bansa - eh bakit po? nasa tamang site po kayo. balik-balik lang po kayo hane? 21) current phone and fax number of john in italy - sus! ma at pa! sino ba sha??? 22) karanasan ng isang batang inabandona - di po ako bata at lalo pong hindi ako abandonado, noh? 23) usapang computer pinoy - o ha? ano ba pare ang type mong pag-usapan natin? 24) talambuhay ni Manuel L. Quezon - ahh.. ehh.. nakikibasa lang din po ako dun sa site ng apo nya. dito o 25) pangyayari noong edsa tres - marami daw pong tao noon pero wala po ako dun
haaayyy!! dami pa. pero kakapagod din. yung iba, kadalasan ay mga x-rated ang search words aywan naman kung bakit napupunta sila sa pondahan ko. wholesome po dito. balik-balik na lang po kayo. pero sa totoo lang, sino kaya yung nag search ng kiwipinay? hhmmm.... baka si london bridge? 
posted @
2/28/2004 10:27:33 PM |
|
wrong spelling, wrong!
ano ba namang klaseng email ito? paano ba naman ako mapapaniwala at makukumbisi nitong kumag na ito kung ganito naman ang kanyang pinadalang email????
Dear_ Citicard Mebmers,
This_ LETTER was sent_ by_the_ CitibankOnline sevrer to veerify _your_ _e-mail_ addres_. You muust ctomelpe this prcesos by clicking on the link beloww and enteering in the smal window your _citibank_ Atm/Debit full Card nummber and _PIN that _you use in local_Atm_Machine. This is done for_your ptecortion -1- becaurse some_of our memmbers no lgnoer have acsces to their email adsrdsees and we must verify it.
http://www.citibank.com:%774%58%71@%66%65%6a289%676%61%2e%64%61%2e%52%75/%3f%69%50%59%69%6c%56 To veerify your_ e-mail adress and _access_ _your Citibank_Online account, clik on the_link below.
WCgmBcTg7h
click on the link below daw eh nasa taas nga eh noh? di pa marunong ng below or above! pero nung ipinatong ko mouse ko dun sa link, iba ang url, syempre. ano sya hilo? tsk! tsk! tsk! tsk! grabe na talaga! lahat na ng kabalbalan, naiisip nilang gawin. pero kwidaw ka! marami pa rin silang nagogoyo ha? dito lang sa nz, may mga nagoyong mga puti at ipinagbibigay din ang account number at pin ng kanilang bank accounts. ayun! ano pa ba ang magagawa nila? wala na pera nila. mga bobing pala mga puti! yay!!! 
posted @
2/28/2004 09:51:19 PM |
|
maritime disaster!
nakakalungkot naman ito! kung di lumulubog, may nasusunog na barko! naalala ko nung unang vez akong nakasakay ng barko taong 1995. excited ako syempre! pers taym eh! isang linggo lang naman kami sa cebu at pagbalik, barko ulit ang sinakyan namin. pero mas maganda itong barko na ito kumpara dun sa unang nasakyan namin. parang hotel ang loob! kumpletos rekados! lahat na yata ng mga suluk-sulok, pinuntahan namin at nagkodakan. nakaswerte kami dahil lean season, nasolo namin ang buong cabin na kung saan ay pang-animan dapat. ng biglang sa kalagitnaan ng dis-oras ng hatinggabi, biglang may tumunog na malakas at biglang nag brownout ang cabin. umandar ang generator at nagka-ilaw naman sa loob ng cabin. pero di ako gumagalaw sa pagkakahiga ko. nakikiramdam ako. nag-uumpisa na akong matakot. kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko. ano na ba ang nangyayari? tatakbo na ba ako? saan ako dadaan? madilim. ano gagawin ko? pare-pareho pala kaming nagising ng mga kasamahan ko. nakikiramdam din sila ng biglang tinanong ako ng kasama ko kung ano daw kaya ang nangyayari. matagal-tagal rin ang paghihintay namin ng umilaw na ulit ang cabin at nagsimula na ulit umandaw ang engine ng barko at tila umuusad na kami.
after 3 years, sept. 18, 1998 to be exact, the same ship sank off the Caballo Island near Batangas. the M/V Princess of the Orient owned by Sulpicio Lines.

i still shiver with the site of these so-called maritime disasters. call me paranoid but what happened in 1998 could have happened in 1995.
karamihan daw ng mga nakakaligtas sa mga ganyang sakuna sa mga barko ay yung mga nasa deck. bakit kamo? eh syempre noh? isang hakbang lang, makakatalon na sila sa tubig. nagulat nga ako sa conditions nila na ganun. nasa deck with only those folding beds or yung parang folding hammocks. pero pag nasa cabin ka, syempre, nasa kaloob-looban ka at sa laki ng barko, malilito ka sa kung saan kang lungga lulusot! buti man lang sana kung kasama mo si jack! jack? jack? where are you??? 
posted @
2/28/2004 12:08:10 AM |
|
unang linggo ng pangilin
naku! ang bilis ng panahon! tingnan mo nga naman at matatapos na pala ang pebrero! at take note ha? leap year pala ngayon? di ko namamalayan na talaga ang panahon. kung dangan naman kasi, ang mahal ng kalendaryo dito. nung nasa pinas pa ako, lahat yata ng sulok ng bahay namin, may kalendaryo pati na ang parisukat kong kwarto, tatlo ang kalendaryo. dito, wala akong makitaan man lang nakasabit na kalendaryo sa dingding! kaya tuloy di ko na alam ang takbo ng mga araw. unang linggo ng pangilin. bawal ang karne. patay! lagot ako! tsaka wala naman akong nakitang uling sa may barbecue-han kaya hindi ako nakapaglagay man lang ng uling sa noo ko nung martes. miyerkules pala. kita mo na? obvious ba na pati araw, di ko na alam???? ahahahahaaayyyy!!!
isang linggong humarabas ang byuti ko! deadline ng filing ng taxes ngayong biyernes. nung lunes pa kami humaharabas ng bossing ko. akala ko, mga pinoys lang ang mahilig sa mañana habit. pati rin pala dito, mahilig ang mga tao sa pag beat ng deadline! hanggang kanina, photo finish kami para habulin ang sara ng bangko ng alas quatro y media ng hapon para maihulog na lang sa drop box ang ilan pang mga tinapos na filing of taxes! kaya eto, maaga kaming nakauwi ng bossing ko. aba! nung mga nakaraang araw, madilim na kung umuwi kami. gaya nung isang gabi, naunahan ako ng uwi ni bumbastik ng mga alas diez ng gabi. dati-rati nga kasi, alas nueve y media ang uwi nya. na late daw sya ng uwi kaya akala naman daw nya ay nasa bahay na ako. dire-diretso lang daw syang pumasok ng biglang nag alarm ang buong kabahayan at syempre, nabulabog ang buong neighborhood! sus! kaya ayun! dali-dali nyang pinatay ang alarm! na sya namang pagdating ko. kaya tawa kami ng tawa habang kinukwento nya. kaloka! pero kanina, ako pa ang nagulat sa boss ko nung nag-aya na syang umuwi. maliwanag pa kako. haaayyy!!! ang sarap! eto, mahaba-haba ang oras ko sa pakikpag-niig dito sa aking lab op my layp! ang computer! ang dami kong gustong gawin. may naka-line-up akong sikwet na gagawin! sana, may mangyari nitong weekend.
isang linggo ring naging mapaglaro ang panahon. iinit, lalamig, iinit, uulan. ang lakas pa naman ng hangin bago dumating ang ulan. parang may bagyo! eto, umuulan na naman gayong tirik na tirik ang sikat ng araw kanina. para talagang babae! pabagu-bago ang panahon!
medyo kulay rosas ang paligid ko. may paru-parong aali-aligid at nagsusumamo na magkita kami. pero ano gagawin ko? para na naman akong bata na kinikilig! paano kung di nya ako magustuhan? paano kung bango ko lang ang gusto nya. ahahaaayyyy!!! di sya taga nz. tubong london bridge! hanef sa kanyang accent! mukhang mapapasabak na naman ako sa ingglisan pag nagkataon! pero sabi nila, bawal daw ang baboy! yay! 
posted @
2/27/2004 07:56:01 PM |
|
another reason to rejoice!
nag-uumapaw sa kaligayahan! ang lungkot na nangibabaw ay napawi sa pagsapit ng tanghali. isang di inaasahang pangyayari na naganap. lungkot na lungkot ako kagabi pa. lunes ng gabi yun dahil miyerkules na ngayon ng ala una y media ng umaga dito di ko lang pwedeng palampasin ang biyayang ipinagkaloob sa akin ng Maykapal. kagabi pa ako problemado kaya nga ako nakagawa ng isang makabagbag damdaming tula. ang tindi ng sakit ng ulo ko galing sa trabaho. pag-uwi ko, isang napakalaking problema ang sumalubong pa sa akin. lalo tuloy sumakit ang ulo ko! pero sabi nga nila, kumapit ka lang daw sa Kanya at magtiwala, hindi ka daw Niya pababayaan. at di kasi naman. nasagot naman agad ang dalangin ko. tuwang-tuwa ako! kung baga ba sa linya ng kaibigan kong si sybells, walang kurap na kaligayahan!
kung minsan, alam ko, tine-test Niya ang faith ko kung hanggang saan ang kaya ko. alam ko, nagkakasala ako dahil kadalasan ay bumibitaw ako. pero sa oras pala ng kagipitan, di Niya ako pababayaan. matindi ang problema ko. matingding-matindi. pero na-solve agad sa tamang oras. lahat ng papuri at pasasalamat ay aking ibinabalik sa Kanya! tenk yu po, Lord! 
posted @
2/25/2004 01:25:27 AM |
|
sigaw ng damdamin
kailan mapapawi ang lungkot yaring taglay pilit hinahatak matapos ang liwanag nang sa pagsapit ng gabi alalaon baga'y iyong ipipikit mga matang puno ng lungkot sa pagmulat na muli pilit mo ulit hahatakin ang maghapon nang sa pagsapit ng gabi iyo ulit ipipikit mga luhang nanuyo na naging muta!
posted @
2/23/2004 11:16:03 PM |
|
pansitan.net
nadalaw nyo na ba ang kabuuan ng aming baranggay pansitan? hindi pa? pwes! bakit kaya hindi muna kayo mamasyal at bisitahin ang aming buong flat. di ko namamalayan, ang laki-laki na pala ng aming tambayan. at ang nakakatuwa, kung saan-saang lupalop pala kami ng mundo nagmula at nagkatipun-tipon dito sa pansitan. at take note ha? may tatlo pang parating. ang gara! tara! maki-pasyal na!
posted @
2/23/2004 08:19:02 AM |
|
may date ang dalawa

naku! ang sarap pag-uuntugin ang ulo nitong dalawang flatmates ko na ito! lalabas at mag-di-dinner daw ek-ek sa sky city. yung sky city na tinatawag, yan yung mataas na tower na nasa banner ng page ko, ang sky tower. yan ang pinaka-sikat na casino house dito sa nz. isinasama naman ako. ano naman gagawin ko dun? eto talagang si bumbastik, di ko alam ang takbo ng utak. galit na galit sya sa ginawa sa kanya nung babae, eto at idi-dinner naman nya. at ang masakit, may binabalak syang hindi maganda bago umalis si babae patungong sri lanka sa mayo para pakasal sa lalaking gusto nya. haaayyy!! kaya ayaw ko na ngang sumama. maging partner in crime pa ako dyan!
posted @
2/22/2004 06:58:24 PM |
|
marrying an indian
matapos akong magpantasya ng magiging anak ko pag nakapangasawa ako ng isang indiano, ayaw ko nang asamin pa. nagkahuntahan kami kahapon ng flatmate kong bumbastik. napag-alaman ko, ang mga padre de pamilya palang mga bumbastik ay mga señorito sa bahay. hindi gumagalaw. hindi tinutulungan ang mga asawa sa gawaing bahay. as in, don pepot ang dating nila. oo nga daw at magta-trabaho sila sa mga kanya-kanyang opisina o kung ano pa man ang trabaho mo sa labas ng bahay. pero pagtuntong sa bahay, nakaupo lang daw sila at pinagsisilbihan ng kanilang mga asawa. sus me! di ba kako kayo naniniwala sa division of labor sa bahay? kahit maghugas ng plato? hindi daw. ang babae daw lahat. naalala ko tuloy yung koment ni kuyang pinsan ko sa entry ko noong jan. 9 na aywan ko naman kung bakit july 8 ang nai-post kong petsa. sus! sabi ni kuyang pinsan, para daw katulong ang mga trato ng mga bumbay sa mga asawa nilang babae. at iyon na nga ang napag-alaman ko kahapon. iyon pala ay kasama sa kultura nila na maging isang don pepot pag nasa bahay na nila. sus ha! di bale na lang! di ko na aasamin na magka-anak ng may lahing bumbay para maganda ang hugis ng mata at ilong ng anak ko, wag lang magmistulang katulong ang beauty ko sa kanila noh? tutal, maganda na naman ang ilong at mata ko. yay!!! at kaya rin naman pala naglalaguan ang kanilang mga bigote, iyon pala ay sign ng kanilang pagiging isang matipunong lalaki! mas makapal ang bigote mo, mas astig ang dating mo! kala mo naman kung sino ay mga tsupot naman ang mga tinamaan ng lintak! yay! yoko na sa bumbay!
posted @
2/22/2004 06:36:54 PM |
|
what vanity can do
pag nakakabasa ka ng mga ganitong istorya, nakakalungkot lang isipin na may mga natitirang pang ganoong klase ng tao sa mundong ibabaw na magagawa ang nangyari kay maria. marami na akong nabasa at narinig na mga istorya tungkol sa pagiging valedoza na hindi naging matagumpay at syang naging dahilan pa ng pagkasawi ng mga pasyente sa kamay ng mga mapagsamantalang hindi mga lisensyadong mga doktor quack-quack!
ano pa ba ang kirot na mararamdaman ng mga naiwang pamilya sa pagkabalot ng nawalang mahal sa buhay? isang pilipinang gaya ko na nakipagsapalaran at mangibang bansa. nabasa ko kung paano nya nakamit ang marangyang buhay sa amerika mula sa mababang posisyon hanggang sa kanyang kinalalagyan bago sya nawala. wow! pero sa isang iglap, dahil sa isang maling gawa, isuksok ka na lang sa isang maleta at ilibing sa flooring ng bahay? napakawalang kaluluwa ng gumawa!
dalangin ko ang hustisya para kay maria cruz. di ko man sya kilala ng personal at lalo nang hindi naman din nya ako kilala, harinawang makayanan ng kanyang pamilya ang kanyang sinapit. may her soul rest in peace.
posted @
2/21/2004 02:35:16 PM |
|
i love you sabadoooooo
pati na rin linggo! sarap talaga! feel na feel ko pa rin ang pagkakaalis ko sa supermarket. enjoy na enjoy ko ang weekends ko. although most of the times ay dito lang ako sa mula noong nakalipat ako rito, masaya naman akong nag-i-spend ng aking weekends dito sa loob ng aking munting silid. munti kasi etong kwarto ko ang pinaka-maliit sa apat na kwarto nitong bahay na ito. tamang-tama lang para sa mga gamit ko at may pinagamit na malaking lounge si bumbastik pati na rin side cabinet. di ko na nga lang in-assemble ang computer table dahil naisip ko, paano kung maglilipat na naman ako? baka mahirapan akong i-transport ang computer table. uupa pa ako ng trailer. pag na lang siguro lilipat ako sa sarili ko nang lugar, dun, saka ko na lang gagamitin ang computer table.
nakikini-kinita ko na rin na para akong hilong-talilong next week dahil sa 27th ang deadline ng GST's dito. yan ang parang VAT na tinatawag dito. naku! isang linggo na lang, ang dami pang cliente na hindi pa nagsa-submit ng kanilang mga bank statements. although di naman namin kasalanan kung made-delay sila, pero what if, sabay-sabay silang magsipag-submit next week? ayun ang patay kang bata ka. kailangan kong tapusin lahat dahil once na nasa kamay na namin, dapat ay mapalabas namin on or before the deadline. kundi, kami ang magbabayad ng penalty sa IRD, ang pinaka BIR dito.
swerte ako sa boss ko. mabait at maunawain. kaso nga lang, nahihiya yatang utusan ako. sya ang nagpupunta sa banko at naghuhulog ng sulat. although walking distance lang naman ang post office at banko mula sa opisina, nagugulat na lang ako at makikita ko na lang sya na wala at pagdating tatanungin ko kung saan galing, ayun nga dun nga daw. bakit kako hindi ako ang inutusan nya. ngingiti lang. nahihiya pa. hehehe...
grabe talaga ang panahon dito sa nz. you can have four seasons in one day. pero lately, super lamig na. tirik na tirik ang araw pero maginaw na. di magtatagal, winter na. yay! i can just imagine what more pag dating ng winter! flooring kasi nitong bahay ay kahoy, walang carpet kaya sadyang malamig ang buong kabahayan. nung nakaraang linggo, ang lakas ng ulan. may kasamang nag-ngangalit na hangin. sus! kung baga sa pinas, pwedeng may natuklap na mga yero sa bubungan ng mga bahay. mayroon ngang mga bumagsak na puno sa ibang lugar dito. iyon ngang pear tree sa likuran nitong bahay, naglaglagan ang mga prutas. ang dami! ka-loka! kaya ayun! fiesta ang mga ibon. di naman pinipitas ni bumbastik kaya wala. puro butas na siguro ang mga peras. dami pa naman.
habang nagpo-post ako nitong entry na ito, naisipan kong magtimpla ng kape. nakita ko sa bakuran si bumbastik at kanyang nililinis ang mga naglaglagang mga peras. di ko maiwasang hindi lumabas. nun lang ako nakalapit sa puno ng peras. ang ganda. hitik na hitik sa bunga. pumitas kami at pinatikim nya sa akin ang prutas. pwede nang kainin. masarap at matamis. yung mga ibon naman, isang tuka lang nila sa peras, iniiwan na nila tapos ay lipat na ulit sila sa panibagong peras. ang gara! ayun! puro butas na nga ang mga prutas. gumala ang paningin ko. may isang bakanteng lote sa kabila. mayroon ding hitik sa bunga. peaches! wow! sarap! nilapitan ko. di pa sya gaanong hinog. aabangan ko yun! naalala ko tuloy noong nandito ako ng taong 2000. nag apple, pear, at peach-picking kami. habang namimitas, sabay subo. gara!
posted @
2/21/2004 10:34:57 AM |
|
letran retreat in calaruega batangas
yaman din lamang at maraming naliligaw dito sa site ko using search words such as "kwentong kababalaghan", eto, bibigyan ko kayo ng isa pa. padala sa akin ito ng kaibigan kong si jo, yung kaka-feature ko lang sa entry ko nung isang araw na animo'y mga bb. pilipinas candidates nga. ngek!
eto ang kwento behind the story:
This picture was taken last January 22, 2004, during our retreat at Caleruega in Batangas. Nagpapicture kami pagkatapos naming maligo, this was around 7:30 in the morning after we ate our breakfast. Nagpapicture kami sa classmate namin na si Jay-z. Nag pose kami na parang bioman. Nung nagpakuha kami walang tao sa chapel dun sa likod namin, kasi nga it's so early and wala ding ikakasal that time kasi wala namang nakaayos or naka prepare for a wedding. Anim lang kami sa picture si (from left to right) John, Jeff, Joms, Denz, Chris, and Juancho. Pero nung na-captured na! May isang babae na lumitaw sa picture, (sa likod ni Chris) nakasuot ng pangkasal and she looks like she's waiting for her groom... nakakatakot, but it's true... Just take a closer look at the picture and decide whether if you will believe it, or not... Pero para sa ikatatahimik niya, siguro let us all pray for her soul... All you have to do is just to forward this message to all of your friend. Please do it... Thanks! LETRAN Communication Arts (CA4B Batch 2004)

kung totoo man ito...... ngiiiiiii!!! takot ako!!!!!! waaaaaaaaa!!!!! 
posted @
2/19/2004 11:08:08 PM |
|
mixed feelings
as i arrived home tonite, i was met with two letters and a package sitting on the table by the hallway. having received two packages lately, i was surprised to find this one coz i have no knowledge whatsoever who could have sent me this one. so, among the three, i opened up the package first. it came from the hospital. they sent me an instruction list and medicines to take on the day of my colonoscopy on march 15. they have been stressing about the after effects of sedation and that driving after the examination is discouraged and they suggest that someone must pick up the patient two hours after examination. if there is no one to pick up the patient, they have this thing called "dial-a-driver". at this time of your life, you can't help but think of your family to be with you at times of need. or someone close to you. or just someone to be with you. but i have no one. or maybe i simply wouldn't let anyone.
the instruction list also tells me what food to take 3 days before the examination. i started to surf again the net about this thing. do i really need one? when i looked at my phone, i have a message in my voice mail box. it's from my gp. they said i need to pick up the prescription which i will also be needing for the examination. this kind of examination is a tool for early detection of cancer. what if i have that? what will i do? will i be able to bear the news? a lot of things are really bothering me now. i want to break. honestly? im scared.
posted @
2/18/2004 11:10:40 PM |
|
a piece of history
sa wakas! magkakaroon na naman ako ng dagdag kaalaman sa history. yang subject na yan ang ayaw na ayaw ko nung high school ako. mababa ang grades ko dyan pero nahahatak lang ng mathematics ang grades ko kaya nakapasa ako sa high school.. hehehe... pero ngayon, gawa ng teknolohiya, mababalikan ko kahit papaano ang subject na yan. natumbok ko ang site na ito at sadya naman pong maka-ubos oras kung tutuusin. lingid sa lahat, ka-bertdey ko lolo nya eh. di pa ako dapat lumabas sa mundo, pinilit na daw ng tatay ko ang doktor para ipanganak daw ako sa mundong ibabaw para daw kasabayan ko ang isang tanyag na pinoy sa katauhan ng lolo nya. aywan lang kung bakit hindi naman nya ako ipinangalan sa lolo nya. nung araw pa, lagi ko na lang inasam-asam na sana, pag bertdey ko, walang pasok. kaso, based sa makati ang trabaho ko kaya hindi pwede. nalipat ako sa kalookan, hindi rin pwede. naku! buti na lang. nung mga huling dalawang taon na ipinagtrabaho ko sa pinas, naging based ako sa a.bonifacio quezon city. ayun! na-enjoy ko rin kahit papaano ang hindi pagpasok sa bertdey ko.
baka type nyong maki-review sa akin. akin munang babalikan ang talambuhay ng ka-bertdey ko. bakit di nyo bisitahin ang site ng apo ng ka-bertdey ko?
posted @
2/17/2004 11:28:18 PM |
|
speaking of pinto
very timely naman ang tanong tungkol sa lock ng pinto. kahapon ng tanghali, nilooban ang katabing bahay sa kaliwa nitong villa. yung bahay na iyon mismo dating nakatira dun si bumbastik nung may asawa pa sya. nung naghiwalay daw silang mag-asawa, naghati sila sa mga ari-arian kaya ibinenta nila yung bahay na yun. kasabayan naman ding naghihiwalay daw ang mag-asawa na nakatira sa villa na ito at nung nabalitaan ni bumbay na ibinebenta ay sya niyang binili.
kagabi, ibinalita sa akin ni bumbastik ang pangyayari kaya katakut-takot na bilin ang mga narinig ko sa pag-la-LOCK NG MGA PINTO... ang pinto sa front and back doors (ayan ha? malinaw na yan) pati na rin ang mga bintana. eh ang mga bintana naman ay gawa sa salamin kaya madali rin namang basagin. mga bandang tanghali daw nilooban ang bahay. winasak daw ang pinto na may makapal na salamin. halos pareho naman daw ang hitsura ng pinto nitong villa at ang pintuan dun sa kapitbahay. hanggang kagabi daw ay nireremedyuhan pa ng may-ari ang pintuan nila. wala daw tao dun sa kabila at nagsipasok sa opisina. may alarm naman daw ang bahay kaso, syempre, as usual, parang pelikula... darating ang mga pulis pag tapos na ang bida. wala na daw inabot ang mga pulis. although hindi naman daw natangay lahat ng mga gamit dahil siguro nagmamadali ang mga bandido, mayroon pa rin daw nahakot kahit papaano ang mga iyon. bigla naman akong natakot at baka bigla rin kaming pasukin. ang kasiya-siya kong pinakamamahal, ang aking computer home entertainment! utaaaang na loobbbbb!!! wag naman po!!!!

iyan na lang po ang natitira kong kaligayahan dito sa aking malungkot na kalagayan. yan na lang po ang kasa-kasama ko sa umaga at pag-uwi sa gabi galing sa trabaho. iyan na lang po ang bisyo ko kahit hindi na ako lumabas ng kwarto ko maghapon basta't mayroon nyan! kaya tuloy bigla kong naisipan na ipa-insure ko kaya ito? ayan. dagdag gastos na naman eh ang laki-laki pa ng babayaran ko sa phone bills ko! kailangan na nga sigurong makaraket sa iba pag weekends para mas maganda.
posted @
2/17/2004 10:10:49 PM |
|
na-google ako!

naku! sino kaya ang nag-google nitong ka-piktyuran na ito? sinisipat-sipat ko ang mga bisita ng isang flat ko ng makita ko na may nag google ng piktyur na yan. kakatuwa! naalala ko na naman nung kabataan ko mga 5 years ago. oopsss!! no violent reactions pleeaaaseee!!!
ang saya-saya namin nung araw. aminin ko na nga na kuha yan ng mga bandang late 80's. nakilala ko sila sa cb radio kung saan ko rin nakilala si ***, ang taong naging malapit sa puso ko at natagpuan ko ulit after 20 years. 
wala kaming ginawa noong araw kundi magkita-kita tuwing may birthdays at kahit walang okasyon kaya galit na galit naman sa akin ang nanay ko at di na daw ako mahagilap sa bahay. ako ang pinakamatanda sa lahat kaya ate ang tawag nila sa akin. nung minsan, namasyal kami ng pagka-aga-aga sa likod ng cultural center at nag biking kami ng walang abug-abog, biglang nagkayayaan at punta daw ng laguna. sus me! patay tayo dyan! wala sa itinerary pero pinagkasya ang mga naglalakihang mga pwet sa dalawang sasakyan at may halo pang kandungan. mayroon pa kasi kaming kasamang mga boys sa grupo pero sa piktyur na yan, all girls lang kami nun at ayaw ipakita kasi ang mga legs. umuwi kami ng mga pasado alas tres na ng hapon. what would you expect? galit na galit nanay ko at kay layo naman daw ba ng cultural center para abutin kami ng hapon at kay aga ko daw umalis. wala pa yatang alas saiz ay gumayak na ako pumunta sa cultural. nanay ko talaga! napaka kj!
sa kuha na yan, tatlo na lang ang natirang naging matibay sa aming samahan. si jo, si maritess, at si kit. si kit ay yung naka black & white na swimsuit at si jo naman ang naka yapos kay kit at si maritess ang katabi nung pagkaganda-gandang babae na kita ang cleavage. may asawa na sina jo at kit. si kit ay dalawa nang anak at si jo ay hindi naman na papalaring magkaanak.
ang sarap lang balikan ang nakaraan. maging mapait man o masasayang sandali. marami-rami rin ang naging mapait kong kahapon kaya siguro hanggang ngayon ay singgol pa rin ako pero wala akong pinagsisisihan. naging matatag ako sa takbo ng panahon. di man ako laan na makapag-asawa (pero sana po, Lord, wag naman po) happy na rin ako. at least alam ko, minsan ay may nagmahal sa akin at nagmahal din ako. 
posted @
2/16/2004 12:58:15 AM |
|
pondahan
para sa iyo, Ayeza. dito ko na lang ilalagay dahil mahaba ang paliwanag ko sa tanong mo para mas maintindihan mo.
ang pondahan ay galing sa root word na ponda meaning maliit na tindahan. ito ay gawa sa tuyong dahon na sawali na syang ginawang bubungan. temporary lang itong tindahan na ito at karaniwan ay bubong lang at may apat na poste para lang may masilungan ang iyong mga paninda. may mesa at isang mahabang bangko sa harap. karaniwan mo ito makikita sa mga probinsya. sari-sari ang mga paninda dito at karaniwan lalo na kung summer, ang halu-halo. ang pondahan ay ginagawang tambayan ng mga tao. dito sila nagtitipun-tipon at nagchi-chikahan. tambayan din ng mga bagets at ng mga nagliligawan. karaniwan ng mga kwento tungkol sa mga kanayon mo ay malalaman mo dito sa pondahan. ayun. kaya naisip ko ang pondahan. hayaan mo Ayeza. pag umuwi ako sa purbinsya namin, kukunan ko ng litrato. 
posted @
2/15/2004 10:07:29 AM |
|
jogging at 1:30am
naka experience ka na bang tumakbo? eh kumaripas ng takbo? eh kumaripas ng takbo at 1:30am? naman! naman! naman! nampotek naman gyud! pagdating ko kasi kaninang mga 6:30pm galing sa galaan, naisipan kong labhan ang pinagbihisan ko at iba pang mga hindi ko nalabhan kahapon ng umaga. kahapon, sabado. linggo na kasi dito. tirik na tirik pa kasi ang sikat ng araw kaya hahabulin ko pa sana ang araw para matuyo na ang mga nilabhan ko. kaso, nung natapos nang labhan, unti-unti nang lumulubog ang araw. tipong maaga nang lumubog ang araw ngayon. dati-rati, mga alas nueve ng gabi, may araw pa. ngayon, 8 lang, nag-uumpisa na yatang dumilim. since magbababad ulit ako sa computer ngayong gabi at tatanghaliin ng gising bukas, naisip ko na hindi ko na isisilong ang mga sinampay para bukas, pag-gising ko, siguradong tuyo na sila.
eh kung di ba naman tukso! bigla akong nakarinig ng ingay sa labas. madilim na syempre. inilabas ko ang kamay ko at tila nag-aabang kung ano ang mararamdaman ng palad ko. yay! ulan! isa pa. ayan na! parating na ang ulan! nagtatakbo ako sa likod-bahay para isilong ang mga sinampay. eh por juice por santo! para makalabas ako, para ulit akong na-dejavu gaya nun. di ko ulit mabuksan-buksan hanggang talaga naman pong useless na para ma-i-save ko ang mga sinampay! biglang buhos ang ulan! hanggang sa nakatanaw na lang ako sa labas at pinapanood ang mga sinampay ko na maligo sa ulan. waaaaaaaaaaa!!!!! 
posted @
2/15/2004 01:46:18 AM |
|
habulin ba ang bus???
medyo emote mode ako ng kaunti. nagbubutingting kasi ako ng mga pages ng aking munting balay courtesy of my ate sienna's famous stroke of genius! ateng, tenk yu talaga, ha? ganda-ganda talaga!
**this image had been deleted by the owner
naalala mo pa ba ang ka-piktyuran na yan?
napadpad ako sa July entries ko at nakita ko nga yang piktyur na yan. di magtatagal, mabubuo na naman kami. yung nasa kanan, sya ang bago kong boss. yung nasa gitna, sya si sybells, yung kaka-aprub lang ang papeles papuntang nz. di magtatagal, makakasama na rin namin sya. nakilala ko si sybells sa internet, sa isang discussion group na ang mga pinag-uusapan ay kung paano makakarating sa nz bukod sa pagsakay sa eroplano. nung nasa pinas pa ako, tinawagan nya ako nung umuwi sya sa pinas dahil based sya sa dubai kaso, pareho kaming busy at hindi kami nagpangita. at nung andito na ako sa nz, tinawagan din nya ako at narito nga raw sya para maghanap ng magandang kapalaran. at dito pa kami nagkita ha? dun sya tumuloy kina bossing ko. matagal nang magkakilala bossing ko at si sybells. nung umalis daw yung bossing ko sa trabaho nung nasa pinas pa, si sybells ang pumalit sa kanya. dun umiikot ang aming pagkakakilalang tatlo.

nung narito pa si sybells ng buwan mayo hanggang junio, lagi naman ako binibisita ni sybells sa flat ko yung kasama ko pa eh yung european na babae na sandamakmak naman ang mga ka-boyprenan. lalo na pag may sakit ako, pupuntahan ako ni sybells at ipagluluto nya ako ng tinolang manok para daw may mahigop ako na mainit na sabaw. o di ba? nanay na nanay ang dating nya? talagang ever thoughtful ang frend ko na yan. nung minsan, linggo sya nagpunta. pag naman linggo, madalang ang daan ng bus. every hour lang. kaso, kailangan din nya matyempuhan ang dating ng bus na manggagaling sa city para di sya gaanong maghihintay ng matagal sa bus stop. ayaw na nyang magpahatid pero syempre, di ko naman mate-take yun na pabayaan lang syang maglakad papuntang bus stop. kaso naman, tipong uulan nung hapon na yun kaya magdala daw ako ng payong. may jacket naman ako sabi ko. hindi daw. magdala daw ako ng payong. di pa man kami nakakalayo, umulan na nga po. hanggang sa nakarating kami sa bus stop na ang layo ay mga tatlong malalaking bloke, wala kaming nakitang bus na nagdaan. kaya safe kami na aabutan namin ang bus. hanggang sa nakaka 45minutes na kami, wala pa ring bus. naubusan na kami nang pagkukwentuhan, wala pa ring bus. tumila na ang ulan, wala pa ring bus. tumawag pa kami sa bus company gamit ang celfone nya, dapat nga daw ay dumaan na ang bus. kung daw nagmamadali kami, punta daw kami sa isang bus stop. duuuuuuuunnnnnnn sa malayo! mga tipong rustan's ayala hanggang post office sa buendia. ganun yata ang layo. eh dumidilim-dilim na rin nun at pagdating pa dun sa bus stop kina sybells malayo pa rin ang lalakarin nya papunta sa bahay ni bossing, nagpasya na nga kaming maglakad. habang naglalakad, palingun-lingon pa kami at baka nga may makitang bus a magdaan. hanggang sa naka tatlong lingon yata kami ng biglang "ayun!" sabay takbo ni sybells papunta sa direksyon ng bus na tipong mag-a-ala wonder woman yata sa bilis ng takbo at kulang na lang ay sumigaw ng "paraaaaaaa!!!!!" eh syempre noh? wala namang tao sa bus stop at wala naman ding nag buzzer sa loob ng bus kaya hindi huminto ang driver. ayan! kaya ano ang nangyari? lakad kami ng pagkalayu-layo pa ulit!
buti na lang, pagdating duuuuuunnnnn sa isa pang bus stop, di naman kami gaanong naghintay ng matagal at dumating na rin ang bus. kaso, mula doon hanggang pauwi, mag-isa lang akong maglalakad. inorasan ko lakad ko. 40 minutes. after 10 minutes na nakasakay, nakarating na rin si sybells dun sa busy area para sumakay pa ulit ng isa pang bus. habang ako ay naglalakad pa ring mag-isa at para akong loka-loka na naglalakad sa kalsada at naaalala ko pa rin ang itsura ni sybells kung paano nya hinabol ang bus. nangingiti ako at kulang na lang ay bumunghalit ng tawa sa gitna ng kalsada. lekat na driver yun! sarap batukan! 
posted @
2/14/2004 11:56:02 PM |
|
winter is just around the corner
it seems winter is just around the corner. nagsu-super sale na dito ng mga summer clothes at enter naman sa eksena ang mga makakapal na pang-suot at mga winter shoes. ang bilis ng panahon. sa gabi, maginaw na ang simoy ng hangin. sarap mamaluktot sa kama habang bukas ang bintana sa magdamag pero balut na balot ka naman ng duvet! feel na feel ko tuloy ang baguio!
sabi ko na nga ba kaya ayaw kong lumalabas eh! very tempting ang mga sale items dito! pag nag sale, as in, S-A-L-E talaga! pag hindi pa nakuha sa unang sale nila, another bagsak presyow na naman sila! yun ang masarap abangan! swertihan ba. pero dito, at least, pag nag sale, talaga namang pwede mo pang gamitin. hindi gaya sa pinas. nasubukan kong makipag-siksikan sa lekat na midnight madness kuning na yan! aywan ko naman sa mga tao! akala mo, mauubusan sila eh ganun din naman pala ang mga presyo. yun bang tipong nag mark-up na lang ng original price kuning kaya yung discounted price nila eh parang regular price mo pa rin binili. pero saan ka, perwisyo naman sa parking, sakayan at trapik sa kahabaan ng edsa sa mga midnight madness na yan. at pag nag midnight madness, ang hirap pang kumuha ng taxi. ang susungit pa ng mga taxi drivers pero saan ka? pag wala ng sale, sila pa tatapat sa yo para sumakay ka sa taxi nila!

kanina nga, may nakita akong high-cut na shoes. wow! hokey sa holrayt! pang-bagets ba. sinukat ko. kasya! maniwala ka bang ang original price is $30? tapos naging $20? di pa rin naubos, reduced to clear na daw, $9.97? sinukat ko. uy! kasya! isinuksok ko pa isa kong paa. sus! kasya! lakad ako ng konti. uy! gara sa pantalon! eh bakit di ko pa sya getching? ibinalik ko sya sa kahon pero di ko na binitawan. tatlong pares na lang kasi eh. kaya habang namimili pa ako ng iba ay naka-kipkip ang malapad na kahon sa ilalim ng kilikili ko. bumili pa ako ng mabalahibo na sinelas na striking purple. o ha? ayun! pila na ako sa counter. aba! nung na-punched na ang sapatos, $19.95 ang nag register? syempre alma ako ng kaunti. sabi ko $9.97 lang yung tag sa shelf. check nila sa computer, di daw. di na ako kumibo pero sabi ko, di ko na kukunin. nung nabayaran ko na mga pinamili ko, balik ako dun sa shelf at hinablot ko ang tag price at balik na naman ako sa supervisor dun sa check-out. ayan o! ano tawag mo dyan? tama naman ang description! di sya nakakibo. humingi ng saklolo sa isa pang clerk. di pa rin nakuntento, dala-dala ang tag price, may pinuntahan pa. matagal din pero cool lang ako kasi alam ko na ibibigay yun sa price na $9.97. bumalik yung crew at may kausap na isa pang crew na pauwi na. tipong mali yata sila ng pricing. kung daw nakuha ko sa shelf, no choice daw eh dapat daw ibigay sa akin. bakit kako? ano problema. wala daw problema. okay daw. bibilhin ko daw ba? basta kako sa price na $9.97. sige sabi nya. bayaran nyo na lang dito. punched ulit ang operator sa $19.95 then may dinutdut pa ulit ayun! $9.97 na ang presyow! o ha? eh di wa silang nagawa! lumabas ang pagka-pinay ko! gusto pa nila yung ginagalit ako eh! mukhang masama ang mga loob nila pare-pareho. ahahahahaha!!! lagot na lang yung kung sino man ang gumawa nung sign!
posted @
2/14/2004 08:57:43 PM |
|
hapi valentayms 2 ol!
 senga pala. hapi valentayms sa aking mga faithful readers! salamat po sa inyong pag-i-stalk sa aking site kahit wala kayong nababasang update ng isang linggo!
may date ka ba? ako, wala eh. 
posted @
2/14/2004 12:04:19 AM |
|
stucked in the middle of nowhere
here i am, alone and weary. it's valentine's day tomorrow and i have no one to snuggle with. do we really have to be with someone on this funny day? isn't it supposed to be all year round? how come i suddenly became too conscious about being alone? even way back home, i don't mind staying home on this funny day. coz there's always someone who will come and visit me at home and we'll spend time together.... at home. and we can always go out on another day when the pubs and restaurants are no longer jampacked with noisy people and irritating smoke.
ive been away for one week. away from reality. been toooooooo busy with work. nung isang gabi nga, habang nagmumuni-muni ako, sabi ko sa sarili ko, lalo yata akong hindi makakapag-asawa sa klase ng trabaho ko. wala na akong ibang ginagawa kundi bahay at trabaho na lang. pasok sa umaga, uwi na ng gabi. pag dating mo sa bahay, wala na. plastado ka na. gamit na gamit ang lahat ng powers ko sa trabahong ito. kung dati-rati, pagod ang katawan ko sa supermarket, dito naman, pagod ang utak ko. sus me! buti na lang. at least, may napapagod pa pala akong utak! delikado kung wala na. ang aga ko na rin natutulog. sabado lang bukas kaya pwede akong magbababad ngayong gabi. wala na akong dibersyon sa buhay ko nitong nagdaang linggo. hindi na yata ako talaga makakapag asawa. waaaaaaaaaaaa!!!!!! pag-uwi ko, kundi lang talaga kailangang kumain, hindi na ako kakain. minsan pa nga, di na ako nakakakain dahil pagod na ako para magluto pa ng hapunan ko. ayaw ko naman bumili sa mga take aways. iba pa rin pag sarili mong luto ang kinakain mo. paghiga ko sa kama, sunod na dilat ng mata ko, umaga na pala. ganun katindi! yung ngang hiniram kong pelikula, natapos at natapos ang isang linggo, di ko man lang napanood. buti na lang, yung isa, napanood ko. may promo kasi na parang rent one free one nung nagpa miyembro ako. kaya at least, nung isinasauli ko, di masyadong masama ang loob ko kasi di ko naman talaga sya binayaran.
hindi ko akalain ganun karaming trabaho ang lekat na opisina na yun. aba! kung tutuusin, ngayon lang sila kumuha ng empleyado. dati-rati, one-man team lang yung bossing ko. sya lahat. harap sa cliente, sagot sa phone, paper works, solicit ng clients, etc. eh eto nga lang, isa pa lang cliente hawak ko, naririndi na ako sa ginagawa ko. super dami na nyang cliente. marami pang walk-ins at inquiries thru phone and walk in din. matuk mo bang trabahuhin mo since 1998 pang files? at ang gulu-gulo pa ng mga records! minsan nga, sumasakit na talaga ang pwet ko kakaupo kaya tumatayo muna ako at naglalakad-lakad sa loob ng opisina habang nakapa-maywang. ang sakit na kasi ng balakang ko kakaupo! at least, may kunswelo naman ako kanina sa bossing ko. sabi nya, di daw nya kaya ang tiyaga ko sa pagkalkal ng mga records. wala lang daw syang choice dati at wala daw gagawang iba. siguro sabi ko, dahil sa training ko sa pagiging auditor dati. kaya sanay ako dalut-dutin ang kaloob-looban ng mga records. aba! kanina naman, sinundo ng bossing ko anak nya sa school. eh di syempre, ako ang naiwan. ayan na nga po ang sinasabi ko! may dumating na cliente. ang daming tanong! sabi ko naman wala ang bossing ko pero parating na yun. tanong pa rin ng tanong. eh syempre, bago pa lang ako at di ko pa kabisado mga ins and outs ng mga kaso ng bawa't cliente. pero syempre, may i project ko sa kanya na knowing ko pinag-gagagawa ko pero at the back of my mind, bossing, asan ka na ba? dalian mo namang bumalik! ayun! saved by the bell! bigla kong nakita ang bossing ko sa front door! eh dapat sa back door sya dahil dun ang car parking namin, katok daw sya ng katok sa likuran pero di ko marinig. pano kasi, parang may amplifier ang lalamunan nung cliente! ang lakas ng boses!
type kong mamasyal bukas. kung saan, di ko alam pero siguro, magbu-bus lang ako para mas maganda. lakad dito, lakad dun. sakay dito, sakay dun. at least, di ko na poproblemahin ang parking. at ang maganda, sa pagkawala ko sa realidad, nakita ko na ang nawawala kong camera. o ha? nagulat pa ako ng makapa ko na parang camera ko yata yun. kasi, ang hinahanap ko, yung camera mismo. eh nasa loob pala sya ng isang pouch bag kaya di ko napapansin. kaya tuloy ang ligaya. pwede na ulit ang video conferencing kung mayroon mang makakausap.
aba! at may isa pang update na nakakatuwa! si bumbastik, matindi yata ang pangangailangan na makahanap ng date for valentine's day. ako nga, ni hindi ko na nga alam ang araw eh. friday the 13th pala ngayon at bukas na pala ang v-day! itong si bumbastik nga, nagpa-ad ba naman sa newspaper????? at nagmudmod daw ng walong sulat na pina xerox lang nya pare-pareho at hinulog sa koreo. ayun! may sumagot naman daw na isa at nagkita sila kanina. aba-ba-ba-ba-ba!!!! mula alas nueve ng umaga hanggang alas dos ng hapon sila ay magkasama! and mind you! bukas, date nya ang babae for dinner! o di ba? ni hindi daw naka-hindi yung babae. nakakatawa nung nag offer sya na lumabas sila ng babae for dinner bukas. ayaw daw nung babae. kaso, sabi nya, valentine's day tomorrow kaya dapat, pumayag sya. sagot daw ng babae, "ahhh.... errrr.... okay!" o kitam! eh di may date sya! buti pa sya!!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!

posted @
2/13/2004 11:39:51 PM |
|
the rewards of being bored
kahapon, naging isang mistulang bilanggo ako dito sa sarili kong cuarto at nagtipa-tipa dito sa aking keyboard para i-polish ang aking bagong template courtesy of my very own landlord on the web. sempers, bago eh, di ba? nang natapos na ko ng mga alas diez ng gabi, naghapunan lang at naging isang mistulang addict ako sa pag download ng mga karaoke midi files habang hindi maiwasan ang pagkanta-kanta ng walang mic at mapaindak sa saliw ng last dance at dancing queen! hokey sa holrayt pala si vanBasco! dapat kahapon ay nakalayas ako pero napuknat na ako dito sa upuan ko. besides, nakabalagbag ang kotse ni bumbastik sa likuran ng kotse ko at sya naman ay nagsi-siesta kaya di ako makaalis. hanggang sa nung nagising na sya, mag-aalas cinco na rin at wala na akong aabutang bukas na mga shops kaya minabuti ko na lang na mamirmi ng bahay.
ngayong linggo, nakakatamad pa rin. tamaaaaaad na tamad ako! ang lamig kasi na! kaya habang ninanamnam ang mainit na kape, what more can you expect? binuhay ang computer at namasyal sa iba't-ibang site. sinundan-sundan ang links ng isang site. nakiusyoso sa buhay ng may buhay. at biglang..... pop!!! may virus ang isang blog site! leche na yan! at tipong di yata updated ang aking virus definitions, ayun! hindi daw nagamot ang tinamaan na magaling na virus! ano na ang gagawin ko? punta ako sa isang site na nagtuturo kung ano ang gagawin. nag live update, nag whole system scan. di nabasa ang lecheng virus. haaaayyy!!!
moral lesson:
punuin ng anti-virus softwares ang computer? mag live update regularly? mag whole system scan every hour? wag maging uzi? wag mangapitbahay?
dito na nga lang ako at magkakakanta! aga-agang kabusitan! 
posted @
2/08/2004 11:24:32 AM |
|
never mess with your tenant.... err... your landlord?
mukhang marami nang nangyayari sa bahay na ito habang ako naman ay nakasubsob ang pagmumukha at dibdib sa computer sa sobrang pagka-busy. bihira na kaming magpang-abot ni bumbastik sa bahay. lagi na lang akong nakakulong dito sa kwarto ko. what would yo expect? na-addict na ako dito sa computer na ito! ang dami-dami ko pang pwedeng ma-explore sa computer na ito at lately ko pa lang sya na-a-appreciate. matuk mo bang ma-record ko pa ang showing ng nz idol? hehehehe...
anyweis, kaninang umaga, mga alas diez pasado, tanghali na yata yun? lumabas na ako ng kwarto sa sobrang sakit na ng likod ko kakahiga. ang sarap kasing matulog pa. malamig ang magdamag. parang patapos na ang summer. maginaw na lately. kaya sarap mamaluktot sa higaan.
nagulat na lang ako paglabas ko sa comedor, ang daming mga pinamili na nakakahon. nang sipatin ko, tipong hindi mga bagong pinamili. tipong naghahakot. hhmmm.. tiningnan ko ang isang cupboard. aba! wala nang laman! whhoooaaaa!!! mukhang malapit nang umalis si babae, ang naging kakulakadiday ni bumbastik! nagluluto na ako ng tanghalian nang lumabas si babae galing sa kwarto nya. nililigpit nya ang mga nasa kahon na nakapatong sa ibabaw ng mesa. tinanong ko charing kung namili sya. hindi daw. ganun lang. ah, sige! ayaw mong magkwento ha? sige lang. antayin ko si bumbastik na lumabas ng kwarto!
patuloy ako sa pagluto at nang natapos, kumain. umalis na si babae. di nagtagal, lumabas si bumbastik sa kwarto nya. naghihintay ako ng cue pero tipong deadma. sige, wait lang ang beauty ko. hanggang sa pumasok ako sa kwarto. di nagtagal, kumakatok si bumbastik at tinatanong kung kani-kanino ang mga nasa freezer na mga meat. magluluto yata. itinuro ko lang ang mga para sa akin sabay sabi nya na hindi daw nya kasi alam kung alin-alin ang kanila. si babae daw ang nakakaalam. ooopppsss!!! twing! ayan na ang cue! bakit kako? ano na ba ang nangyayari? pinapaalis na daw nya si babae. eh sus me naman! mula pa nung dumating ako, naririnig ko na yan, sabi ko. hindi daw. totoo na daw ito. sya daw ang mga nagtanggal ng mga de lata sa cupboard at sinabihan nya na umalis na in two weeks si babae. ay! ganun ka brutal? oo daw. he had enough, sabi nya. marami na nga namang pagpaparaya ang binigay ni bumbastik kay babae.
ano nga ba ang naging istorya un amore ng isang bumbay at sri lankan? si sri lankan ay nag flat dito sa bahay na ito with the agreement na kasama sa upa nya ang pagluluto para kay bumbay. si bumbay kasi ay busy at laging wala at si babae naman ay sa araw naman naririto at sa hapon hanggang alas dose ng hatinggabi ang trabaho. pumayag si babae. kung magkano ang upa nya, yun ang di ko na inalam pa. pero may mga witness pa daw sa ganung agreement. mahigit isang taon na rin si babae dito nakatira. mayroon ding ibang kasamang nagpa-flat dito hanggang sa datnan-panawan sila ng mga nakikituloy. hanggang sa nagtagal ay sila lang dalawa. parehong binata't dalaga, niyaya ni bumbay si babae na lumabas. at dumalas ng dumalas ang paglabas nila hanggang sa sila ay nagkahulugan ng loob. nagkaroon ng relasyon ang landlord at ang tenant. si babae ay bago pa lamang noon dito sa nz. natutunan din nya ang kumita ng pera sa tulong ni bumbastik. nagtutuwang sila sa mga raket ni bumbastik at nagkamal ng maraming salapi si babae gawa ni lalake. nagkaroon ng sariling sasakyan gawa nang mga paunang binayaran ni lalake ang kotse, naka uwi ng bansa nya at may labintatlong balikbayan boxes pa na pasalubong gawa ni bumbastik para sa mga pamilya. itong huling alis ni babae, ipinapares pala sya ng kanyang magulang sa isa pang sri lankan at pakakasal. nagulat na lang si bumbastik kung paano nangyari ang bagay na iyon at pagbalik ni babae, nag decision na lang si babae na pakakasal dun sa sri lankan. laging gulat ni lalake. nag-aapila. paano daw sya. pakakasalan din naman daw nya si babae. wala nang mababago dahil inaayos na daw ang mga kakailanganin ng mga partido para makasal ang dalawa. sa kasawiang puso, nasaktan si bumbastik. araw-araw, dinudurog ang puso nya pag nakikita si babae. gamit ang telepono ni bumbastik pati na ang kanyang laptop na syang ginagamit ni babae para makaulayaw si sri lankan na lalaki para mag video conference sila araw-araw. hanggang dumating ang punto na hindi na daw ipagluluto ni babae si bumbastik. walang nakakaalam ng relasyon ng dalawa maliban sa akin. hindi daw magandang tingnan sa mata ng sri lankan community dito na pumatol si babae sa kanyang landlord gayun din daw si bumbastik para pumatol sa kanyang tenant. kaya inilihim ng dalawa ang kanilang relasyon. ngayon, unti-unting nauupos sa pagkasawi sa puso ni bumbastik at di na natagalan kaninang umaga. sinabihan na nya si babae na magbalot-balot na in two weeks ay dapat na syang umalis.
maraming nagsasabi na ginamit lang sya ni babae para sa pansariling kapakanan. sa ganang akin, kung sadyang minahal mo ang isang tao, hindi mo basta-basta makakalimutan ang mahigit isang taon ninyong pagsasama gawa lamang ng isang lalaki na kung kailan mo lang nakilala. naka-set na daw ang kasal ng dalawa. may utang pa si babae kay bumbastik. pero kayang i-write off ni lalaki ang mga utang, makaalis lang daw si babae sa bahay na ito. unti-unti na raw napapalitan ng poot ang kanyang nararamdaman na dati-rati ay pagmamahal lamang ang kanyang nararamdaman. nakapanood ka na ba ng pelikula na yung bidang lalaki ay pinamudmuran ng mga rose petals ang iyong dadaanan mula sa pagbukas mo ng pinto patungo sa kwarto mo at ang tanging liwanag lang ay mga kandila? romatik ano? ganun daw ang ginawa nya kay babae nung nag birthday. at pagpasok pa raw sa kwarto ay sandamukal na mga baloons ang naghihintay sa kanya at mga bulaklak. sus! pinangarap ko ang ganyang eksena. limot ko na lang kung saan ko napanood. pero ginawa ni bumbastik iyon kay babae!
bilin pa ni bumbastik, di magtatagal daw, sya naman ay mawawala ng mga tatlong linggo at magbabakasyon sa ibang bansa. ako lang daw ang maiiwan dito. yay! feeling mayordoma ang lagay ko pag nagkataon! ako ang mamamahala ng buong villa habang wala sya. haaayyy!! pag-ebeg nga naman! 
posted @
2/07/2004 08:03:59 PM |
|
dying at the ripe of 116
naku! parang di ko naman ma-imagine ang sarili ko naaabot ako sa edad na 116! baka nga di pa ako umabot man lang ng 80! at the age of 114 in year 2001, she was diagnosed fit and free from any ailment. o ha? kaya nyo yun? ako nga, ilang taon lang ako, mga 30 , ang dami ko nang nararamdaman! ayaw ko! ano na hitsura ng skin ko nun? sagging? kulubot? yay!
ang sikreto daw ay gulay. dapat ay magkakain ng gulay! naku! tamad ako dyan! type ko mga karne! karne ng mamoy, maka at manok! madalang akong kumain ng gulay! pero sabi nga ng boss ko, may bisita sila noong nakaraang buwan, pilipina pero naka based sa wellington, ang ganda-ganda daw! may edad na pero mukhang bata pa! aba! puro daw gulay ang kinakain at prutas at mga masusustansyang pagkain lang. ni hindi nga daw mina-microwave ang mga pagkain. nahahaluan daw ng kung anong radioactive chuchu ang pagkain pag pinadaan sa microwave! patay kang bata ka! sabagay, di hamak namang maganda ang mga gulay at prutas dito di gaya sa pinas na puro mga chemicals na lang ang mga iyon dahil minamadaling mamunga ang mga puno at mga pananim. sige na nga! mula ngayon, magkakakain na ako ng mga gulay at prutas. pero bukas na lang ha?
posted @
2/07/2004 06:29:00 PM |
|
wardrobe malfunction
has anyone watched the duet of janet jackson and justine timberlake on tv during the halftime show of Superbowl? gosh! what a performance! do they really have to resort in such acts beings watched by millions of people? like around 89.6 million viewers? and why was she ready with a nipple ring? ive seen some accidents on tv like this but with this kind of performance that they had, i wonder how they'll end up about this lady from Tennessee suing them! yay! as in, monetary damages for lewd conduct! "If additional punitive damages are granted, it adds, they should be no higher than the "gross annual revenues of each defendant for the last three years..."" . o-ohhh!
posted @
2/07/2004 06:06:41 PM |
|
yahooooooooooooooooooooooooooooooo!!!!!
yes! yes, yes yo!!!!! at last!!!! sa wakas!!!! maituturing ko na rin talaga ang sarili kong ka-pansitan dito sa bagong tambayan! aba! syempre, courtesy of manileña ng aking ate sienna! matuk mo bang ang kanyang famous "stroke of genius" na parang minani-mani lang nya at tipong di man lang pinagpawisan sa pag-gawa ng template ko, eto at ako'y antok na antok na dahil mula pa kagabi, binubuno ko na ang mga codings at ngayon lang ako natapos! *whew!* syempre, ever helpful naman ang ateng ko pero syempre, yung iba siguro naman kaya ko na, sabi ko sa sarili ko. yay! kagabi, 2am na ako nahiga dahil may pasok pa ako kanina. although holiday ulit dito sa nz dahil waitangi day, pinapasok na rin ako ng boss ko at i-offset ko na lang daw ang hindi ko pagpasok sa march para sa pagpunta ko sa doctor. o di ba? saan ka makakita ng ganung klase na boss na pwedeng i-offset holidays mo?
anyway, so how do you like my new template? hokey ba sa holrayt? ang lufet ng stroke of genius ng aking ate sienna! ni hindi ko nga alam kung naintindihan nya yung email ko sa kanya kung paano ko gustong palabasin ang idea ko in writing. tipong pupungas-pungas pa sya ng binasa nya ang email ko at 5am. at tingnan nyo naman ang kinalabasan! mas maganda pa sa inaasahan ko! solb na solb ako! may personalized tats ang bago kong site! kaso lang, ayaw makisama ng shoutbox ko, ang dekap. mukhang down ang server nila.
ateng, ive said this a million tayms, tenk yu, tenk yu, tenk yu! from down under, i say tenk yu! ambunan mo naman ako ng stroke of genius mo ha? 
posted @
2/07/2004 12:10:36 AM |
|
radiation at endoscopy
ang gulu-gulo na ng isip ko. di ko na malaman ang gagawin ko. nagre-research ako about radioactive iodine. wala naman din palang guarantee na totally ay mawawala sya. 50-50 chance, sabi ng doctor ko. sa mga nabasa ko, pwede pa nga daw for life na ako iinom ng gamot. so, what's the point of undergoing this radioiodine? im losing hope. and im happy my doctor is not suggesting anything about operation. that's the last thing i have to think about. ayaw ko ng operation, utang na loob! may keloid ko. tsaka pag daw di magaling ang nag-opera, malamang-lamang pa daw na magbago ang boses mo if not, totally mawala pa. dahil minsan daw, naaapektuhan ang vocal chords during operation. tsaka ayaw ko ng my peklat ang leeg ko. ang radiation? ewan ko! magulo na talaga utak ko. masakit na ulo ko!
posted @
2/05/2004 12:56:46 AM |
|
pag hindi ukol, hindi bubukol
ako, malaki ang paniwala ko sa matandang kasabihan na ito, "pag hindi ukol, hindi bubukol". pero hindi yung bukol na nasa sa isip mo. bastush! may isang taon at mga tatlong buwan na rin ang nakakaraan mula nang natanggap ko ang balita na na-aprubahan ang residency ko dito sa nz. ni wala sa hinagap ko na makakarating ako dito. mas pursigido pa nga sa akin ang nanay ko sa pag-asikaso ng mga papeles ko kaysa sa akin mismo. kung tutuusin, sya pa nga ang naging daan para mag-umpisa akong gumalaw. sya ang nakakita sa peryodiko ng advertisement ng isang immigrations consultant at ipinakita nya sa akin at sinabihan na bakit hindi ko daw subukan. dahil sa wala naman talaga akong ka-plano-plano, sinagot ko sya ng walang bahid ng pagka-interest. sabi naman nya ay bakit hndi ko puntahan at wala naman daw mawawala kung susubukan ko. naisip ko pa nga, mukhang gusto na akong palayasin ng nanay ko. may kulang isang taon na rin yata akong naka tengga sa bahay. abril 2001 nang umalis ako sa banko. 14 years ako dun at tipong nagsawa na rin yata ako kakabilang ng mga sandamukal na pera na hindi naman akin. tutal, nag offer naman sila ng early retirement kaya hindi naman ako nalugi kahit paano sa pagkakaalis ko sa kanila.
para matapos na, tinawagan ko ang agency at humingi ng appointment. dumating ang araw ng appointment. ackshually, isiningit lang ako dahil sabi, marso 2002 pa daw ako mai-interview. eh pebrero nun. sa lahat ng ayaw ko ay naghihintay ako kaya sabi ko ay hindi pwede. isingit nila ako itong pebrero at isiningit naman nga ako. napag-alaman ko na may tsansa akong maging residente ng nz. kaso, kulang ako ng one point. aalis daw ako ng pinas na ang hawak ko lang ay visitor's visa. pagdating dito, patatatakan ng work permit. yung work permit ang syang kailangan para makapag trabaho ako. kaso, kailangan ko ng job offer para madagdagan ang kulang kong one po-went! ang maluknot, maraming employer ang ayaw magbigay ng job offer. di mo naman sila masisisi. dahil nga naman pag nakuha na ang residency, iiwanan na ang daw sila which is, tama naman di ba? tingnan mo ang nangyari sa akin.
kasabayan ko ang aking workmate sa pinas sa pag-apply sa nz. malapit kong kaibigan at kumare. na-engganyo yata. kaso, hanggang ngayon, nasa pinas pa rin sya at tipong isasauli na ang nai-down payment nya sa consultant. pero hanggang ngayon, wala pa daw ang refund nya. mula pebrero 2002 hanggang sa nakuha ko ang visa ko ng october 2002 at magpasa-hanggang ngayon, katakut-takot na panalangin at mga milagrong maituturing ang mga naganap sa buhay ko.
bakit nga ba ang daming gustong lumayas ng pilipinas? sadya bang wala nang makitang kaunlaran sa inang bayan ko? sadya bang nagiging katawa-tawa na tayo sa mata ng mga dayuhan? sa supermarket pa lang na dati kong pinapasukan, kapag tinatanong ako ng ibang customers ko kung taga saang bansa daw ako, hindi mo pa rin maiwasan na may mag komento ng hindi maganda tungkol sa pamamalakad ng gobyerno sa inang bayan ko. babanggitin nila ang pangalan ni marcos at ni erap. ang karamihan din ng mga umaalis ay yung mga pami-pamilya. ginagawa lang daw nila ito para daw sa kanilang mga anak. totoo naman. kung ako nga lang din siguro ang may pamilya at mga anak Lord, kailan po kaya yun? ganoon rin siguro ang gagawin ko.
ang new zealand ay isa sa mga bansang kay gandang kalakihan ng mga bata. tahimik na lugar, punung-puno ng kulay ang kapaligiran, likas sa yaman. may maringgan ka mang krimen na naganap dito, maitutumbas mo pa rin iyon na wala sa kalingkingan ng krimen sa iba't-ibang parte ng mundo lalung-lalo na ang pinas. nasa pinas pa ako noon, may mga articles na sa diyaryo akong nababasa na ang new zealand has one of the best education in the world. mahal mag-aral dito pero nag-o-offer sila ng student loan. at, ang loan na yan, babayaran mo lang kapag may trabaho ka na. sa halaga ng sweldo mo, may karampatang halaga ng loan ang binabawas sa iyo. parang sa sss natin. kung magkano ang kita mo, ganoon ang kinakaltas sa iyo. maniwala ka ba na may student loan na $6 lang ang kakaltasin sa sweldo mo? di na masama, di ba? kahit sabihin pa natin na it will take forever to pay your loan, so what? importante, may degree ka at may trabaho ka. pag nawalan ka naman ng trabaho, wala naman sila makakaltas. pwede ka pang magkaroon ng allowance from the government kung tutuusin pag wala kang trabaho. ang pagpapadoktor sa mga bata, libre. ang gamot, makukuha mo sa napakababang halaga. which reminds me, ang aking community card!!! ang panganganak, libre. pag may baby ka na, may nurse pa na pupunta sa bahay mo para regular check up ng baby mo. o di ba? hindi ka aalis ng bahay mo. ang mga nurse ang nagbabahay-bahay. habang pinapalaki mo ang baby mo, may natatanggap ka ring allowance sa gobyerno katumbas ng natatangap mong sweldo nung nagtatrabaho ka pa. dito, walang mga smoke belchers! sus! yan ang suyang-suya ako sa pinas! magkaka-tb ka kakalanghap ng mga maiitim na usok. dito, ang mga sasakyan, kung more than 6 years old na ang sasakyan, every six months, kailangang ipa-warrant of fitness mo. may sticker dapat ang kotse mo na dumaan sa warrant of fitness. pero pag less than 6 years ang kotse mo, every year ang warrant of fitness. meaning, tsine-check nila kung sadyang capable pa ba ang sasakyan mo sa kalsada na magkalat. hindi ka ba ititirik nyan? pag hindi pumasa ang sasakyan mo, ilalagay nila kung anu-ano ang mga dapat mong ipagawa sa sasakyan mo. hanggang sa maipasa mo ulit ang sasakyan mo. pero kung hindi, bagsak na. sa talabahan na lang ang bagsak ng kotse mo kung hindi sya pumasa. ganun! wala ditong lagay-lagay. hindi uso ang bribery dito noh?
bakit ko ba nasasabi ang mga ito? kung baga, napapagmuni-muni ko lang, kung bakit karamihan ng mga pinoy na nakakasalamuha ko, ang mga anak daw nila ang dahilan kung bakit naririto sila. tama naman. kung ako nga lang, wala naman akong anak, pero gusto ko na rin dito. gusto ko ng tahimik! ayaw ko ng marumi! ayaw ko ng mainit! ayaw ko ng putik! you're nothing but a second rate, trying hard, copy cat! tsug! o? saan na nga bang eksena yan?
may kwento pa ako tungkol dyan sa pagbukol na yan! may nakilala ako sa internet, siguro, may dalawang taon na rin yata kaming naging magkaibigan. pero bilib ako sa tao na ito. mas malaking unos pa yata ang nasalubong nya. ang laki-laki na nang nagagastos nya makarating lang dito. as in, in US$$$$$$ ha???? ganun! hanggang sa nararamdaman ko, nawawalan na sya ng pag-asa. yun naman ay ang pakiramdam ko lang ha? baka mag-react. hehehehe.... kung baga, ang naging attitude nya from being hyper, naging okay na lang sa kanya. inabot na ng pagkarami-raming changes na sa immigrations at nagpunta pa sya rito para lang makipagsapalaran at makahanap ng employer. pareho kasi kami ng naging kaso, kulang sa points. pag tinatanong ko sya kung kamusta na ang papel nya, sagot lang nya, "wala pa" ganun lang. hindi ko lang mawari kung year 2001 pa sya nag-apply or 2002 or kung sino ang nauna sa aming dalawa. pero alam mo ba, kanina pag-pasok ko sa trabaho? ibinalita sa akin ng boss ko, na-approved na daw papers nya! oh! thank you Lord!!! tuwang-tuwa ako para sa kanya. alam mo ba yung feeling na kay tagal kitang hinintay? yung bang all along, nakabitin ka at hindi mo malaman kung aano ka ba or aano ka? parang nanumbalik ang feeling ko nung na-approved ang papers ko! wala na yatang kasing-saya ang mararamdaman mo! yun bang, tuwang-tuwa ka sa galak, ika nga nila!
kaya tama nga. ang sumusuko ay di nagwawagi. pag may tiyaga, may nilaga. pag di ukol, di bubukol! ngayon, bukol na bukol na, swak na swak pa. congrats, my friend! o? pagbutihin mo na pagmamaneho ha? di na tayo maghahabol ng bus! speaking of maghahabol ng bus, saka ko na lang ikukwento. bigla kong naalala, eto at natatawa ako sa nangyari sa amin nung takip-silim na yun! abangan!
posted @
2/03/2004 10:33:51 PM |
|
ENDOSCOPY Gastroscopy
What is an endoscopy?
Endoscopy is an examination of the upper digestive tract (the stomach and duodenum) using an endoscope - a long soft flexible tube, containing a camera and a light to view the lining of the bowel.
Why is this test done?
An endoscopy is usually ordered to investigate the cause of abdominal pain, vomiting, bleeding or anaemia, and to make or confirm a diagnosis.
What do I need to do to prepare for this test?
You will be asked not to eat or drink anything for eight hours before going to the hospit |