Kiwipinay

Life of a Filipina Down Under

Guest Map
online

Guestmap #2

Guestmap #1
Commercial Muna
Lot For Sale
240sqm lot in Molino, Bacoor Cavite Near RFC Mall, public market, FX terminal, Town & Country Subd.
Please leave your email address or contact number and I will get in touch with you as soon as I can. Thank you.
Kwento ng mga Pinay
  • Pinay sa NZ
  • Pinay sa Amerika
  • Pinay sa Canada
  • Pinay sa Cambodia
  • Mga Kapitabahay sa NZ
  • Power T3io
  • Trotskybee
  • A Pinoy in NZ
  • Jinkee's Li'l Thoughts
  • Tuny's Fishbowl
  • Aotearoa Tales
  • Mga Ka-Pansitan
  • Ate Sienna's Pansitan
  • My Life
  • Dawg-Assed Days
  • Haring Liwanag
  • Da Two
  • Chika Mars
  • Miz B
  • Kikay
  • Ala-ism
  • A Girl Named Jah
  • The Prada Mama Chronicles
  • balikbayan box
  • 87 Gentle Street
  • Megameg
  • Pinoy Blogs
  • Kwentong Tambay
  • IN FRATERNAM MEAM
  • Transitions
  • Tatang's Karinderia
  • Apol the Great's Journal
  • Philippine Culture | A Filipino Family on the Web
  • Tweethumbsup
  • EXPECTORANTS
  • jeLaineisms onLine
  • the sreisaat adventures in cambodia
  • Beautiful Mind
  • MEComposing
  • Atinna in Tokyokuni
  • Bulagtasan
  • Tagay Mo Pre!
  • ::: Fiona's Stuff :::
  • euphonies in my solitude
  • About Christine
  • tech guy
  • Now What, Cat?
  • Sophia The Great
  • Undiscussable Realms
  • tala at mga bituin
  • tala at bituin ~ photoblog
  • Zentanglement by Joachim Guanzon
  • The Best Thing in Life is Free
  • My Raspberry-filled Croissant
  • Raquel's Digital Scrapbook
  • .Parallel Universes.
  • Palabok
  • watson online
  • Bulong na Pasigaw
  • Sachiko
  • realitybites
  • a work in progress
  • cbs magic
  • Random Thoughts and Works by Retz
  • Toxic Mom & A Biker
  • Pinkfish
  • Ang Sekretarya
  • Genpot
  • Kenji's Journey
  • Chibog Chika Lakwacha atbp
  • Mga Turo ni Tito Rolly
  • Pinoy Manggagawa sa KSA
  • Auntie Patti Koh
  • idealpinkrose
  • Beatriz
  • Buhay Misis ni Kathy
  • Café Predatoria
  • Reyna Elena
  • Tita Bee
  • Dboy
  • Maria Went to The Netherlands
  • Franco-Pinay Food Adventure
  • Princesa Bandana
  • Makikiraan Lang Po
  • What's on My Mind?
  • Musings Fom Home
  • Manilenya
  • Culture Shiok
  • My Pinoy Humor Blog
  • Ghandee
  • Kotseng Kuba
  • Rhapsody
  • Cheezmizan with Chuva
  • J-B-L-O-G-G-E-D
  • BURAOT
  • Pinoy OFW in Bermuda
  • Kimchiland
  • Taong Grasa
  • Kuri
  • Pinoy Biz
  • Pinoy Negosyo - Tech
  • Entre Pinoy ATBP
  • Philippine Franchise Business
  • Kirbitz | Earn Money with a 19yo Pinoy
  • Pinoy Chefs
  • Kitchen ni Lola Ko
  • World Class Cuisine
  • Baby Rambutan
  • Pinoycook
  • Pinoys Rule
  • Manuel L. Quezon III
  • Dean Jorge Bocobo
  • Blog na May Bar Code
  • I'm Knitting as Fast as I can
  • Eavesdrop Writer
  • Cool Crazy Stuff
  • Blogkadahan
    Ajay
    Apol
    Ate Sienna
    BatJay
    Bong
    Cathy
    g
    Jade-N-Mom
    Jardine Davies
    Jet David
    Joyce
    Karla
    Kiwi Pinay
    Lolo Jose
    Mari
    MayaMaya
    Mec
    Polo
    Tito Rolly
    Tatang Rome
    Ruth
    Sachiko
    Sassy
    Tanya
    Tingaling
    Tintin
    Toni
    Watson
    Zennor
    Fav Links
  • Technorati Profile
  • Online Philippine Radio Stations
  • Natives' Wish
  • Philippine Sites
  • Coffeespark
  • Weather-Weather sa NZ

    The WeatherPixie
    Thursday, July 24, 2008
    guess what!






    Sumayaw, sumunod ka sa indak ng panahon




    Kasabay ng mga bagong tugtugin ngayon




    Sumayaw, sumunod ka sa indak ng panahon
    Makisama, mag-enjoy ka, ngayooooonnnnnnn......













































    di na ko labandera!
















    Sumayaw, sumunod ka sa indak ng panahon




    Kasabay ng mga bagong tugtugin ngayon




    Sumayaw, sumunod ka sa indak ng panahon
    Makisama, mag-enjoy ka, ngayooooonnnnnnn......















    ako'y isa nang mayordoma!








    posted by kiwipinay @ 7/24/2008 12:52:00 AM   | |

    StumbleUpon
    Tuesday, July 22, 2008
    the power of delegation
    stressed to the max ang byuti ko ha mula pa kahapon! ang hirap netong nawawala talaga ng matagal. ang hirap mag-catch up. lalo na kung ang mga kasama mo ay mga nuknukan ng mga pasaway, oo! wala kang maitulak-kaibigin sa kanila. kahit na si bulldog na mahigit nang isang taon sa kumpanya, kala mo ay laging bago. magaling lang sya kapag sa mga alaskahan at mga inuman. pero pagdating sa trabaho, sus! lagi pa ring nakahawak sa saya ko!

    mula kahapon, wala akong ginawa kundi linisin ang mga labadang di man lang kinusot netong mga 'to! maya't-maya, etong si terror na bossing eh panay ang bato ng mga email sa akin at ako ang tinatanong sa mga nangyari gayong nung araw na mga nangyari yun ay wala ako, noh???? kasalukuyan akong nakaratay sa kama! hanube! at ang nakakapraning pa ha? mga mortal sin ang kanilang mga mali! lam mo yun? yun bang tipong yung portion na yun ay hindi ka dapat magkamali dun kasi mortal sin yun! as in, napaka-nuknukan mo na talaga ng eng-eng kung yung bagay na yun ay magkamali ka pa! i was totally upset! naluha na nga ako kanina sa sobrang stressed! upset na disappointed sa mga kasama sa trabaho. wala akong matulak-kabigin! isa na lang ang alas ko. si pana. si pana na bago. magaling sya. tolerable mga mali nya. and she acknowledges her mistakes. yun ang gusto ko sa kanya. matanong din sya. ok sa akin yun. alam ko nakukuha nya ang takbo ng business pero kailangan lang talaga na mabantayan pa pero hindi sya yung tipong bantayin gaya ni ula! tsaka may kusa sya. alam nya kung saan sya weak kaya tanong sya ng tanong. madali syang matuto. kinausap ko nga kanina at binigyan ko ng pointers. wag sya kakong gagaya dun sa dalawang tukmol! basta kako kung di sya sigurado, tanungin nya ako.

    tapos pa, eto pinaka finale ng pagkabuset ko. nakatanggap ako ng email mula sa branch. may pina-follow up na labada nung pang isang linggo binigay. aba! martes na ngayon! binalikan ko ang mga emails. aba! mula pa nung huwebes, wala man lang kahit isa sa kanila na nagkusot ng labada na yun? walang tumanggap! hinayaan lang na nasa inbox ang lecheng labahin! ni-email ko ang tatlo at sinabon naka cc si terror na bossing. pinagkukuha ko ang mga labahin! eh malapit nang mag-alas quatro, dalawa ang pauwi na, si pana at si ula. eh si ula may inutos na ako at sinagot-sagot pa nga ako nung luka-luka! sa loob-loob ko, tingnan ko lang kung di mo ko sundin, makita mo! hmmpt! inabot ko ang dalawang labahin, pinagtig-isa kay bulldog at pana! ayan, labhan nyo yan ngayon din! hmmpptt!! ala... ala silang reklamo! di umuwi ang pana ng saktong 4pm at tinapos yung rush. pati etong si bulldog na dapat sya ang oic ko kapag wala ako, di rin nakapalag sa akin! nag email back si terror na bossing. sana raw ay one-off lang daw yung hindi nila pagkakalaba on time ng mga labahin! sus!

    tapos pa kamo, sabayan pa ng taga kabilang department. pinapasagot kami dun sa isang complaint ng customer gayong tinulungan ko lang sila na ma-sort out ang problema nila. kumbaga, sa teritoryo na nila yun, ano? bakit kami ngayon ang pinapasagot nyo? sagutin ko nga nang... hellowww???? tumulong lang kami sa inyo anoh? ang error ay hindi sa amin galing! ako lang ang nag troubleshoot para sa inyo? bakit kami ngayon ang pinapasagot nyo sa customer? maryopes galapong! all-around na papel ko dito sa kumpanyang 'to ah!

    hay nako! bakit di ka naman kaya duduguin dito sa tatlong eto???? nakakangir-ngir! ano pa kaya ang mga naka-abang para bukas?
    posted by kiwipinay @ 7/22/2008 09:26:00 PM   | |

    StumbleUpon
    Monday, July 21, 2008
    strange


    ive worked for so many years (but stop asking how many) and i had my share of mistakes when i was just starting.... i had 2 employers when i was still working in manila and i had 2 previous employers in nz. take accountability and learn with those mistakes, and make sure you don't commit the same mistake. but even if you commit the same mistake, you would know how to get out of that mistake and correct it the next time.

    there is no such thing as a perfect job. but it is not impossible to have one. especially if other people's lives or properties depend on you. in our kind of work, there shouldn't have any room for error.

    i had been sick last week and got back to work today. i was called by my terror boss to look after this work that "ula" did which she had messed (again) big time. there was a complaint, and management was trying to see on how we can avoid this kind of error in the future. more than a month ago, i already told my boss that i am no longer confident that we give her the jobs. but my boss insisted that we let her do it and someone will check her job. and he assigned bulldog to do the checking. but don't you think that is double work? bulldog is also doing his share of work and checking someone else's job will use up time and to correct the mistakes again will use up another time and teaching, etc.

    this afternoon, i tried to gather all data and additional information on what could have happened. i called ula and asked her take on the situation. she can't say anything. she can't recall anything. as if she had complete amnesia. i asked her to try to recall something because there was a complaint and i need to give a report and at least, try to cover our department on what she had done. looking at her, all you see is just her shaking of head from left to right and she can't even explain nor recall why she did it. it's useless, i said to myself. she is just useless. and you can hear her always saying "strange" everytime you show her the mistakes that she did. i can't wait for her to leave on friday. without the blessing of my terror boss, i told her to stop everything what she was doing until she leaves on friday. i have enough. i can't last with a worker like this. this job is not for her. im not a nanny to look after her mistakes everytime. we can't wait for her to go.


    posted by kiwipinay @ 7/21/2008 08:50:00 PM   | |

    StumbleUpon
    Friday, July 18, 2008
    onli in new zealand #6
















    **image courtesy from nzherald


    posted by kiwipinay @ 7/18/2008 11:47:00 AM   | |

    StumbleUpon
    Thursday, July 17, 2008
    being sick alone, but not lonely
    living alone has its pros and cons. i am used to being alone. even when i was still in manila, whenever my mom and siblings will go to the province, i would prefer to stay home by myself. i have some good excuses then, so my mom would let me stay. i have no problem in cooking food because my mom will cook food that they will bring and will leave some for my share. so everything is in order. all i have to do is make sure the house is clean and tidy, and washings are done.

    last week, i was hit by a bug. a terrible bug. one friday morning, all my muscles and joints were sore. everytime i cough, i feel like my body will be cut in two. but still managed to come to work due to some reports still to be submitted. but after four hours of work, i have decided to go home.

    since then, i was bedridden. i was planning to see a doctor that friday afternoon but my driving was challenged. with watery eyes, sore body and can't even manage to shift the gear from P to R, i decided to head home.

    i can't find any available medicine so have just resorted to water therapy, honey and lemon drink. at 9pm, i was already in bed and the evening looks like an eternity for me because ive been awake every hour or so due to coughing. come sunrise, another sore day, i said to myself. lucky for me i was able to cook something last thursday evening. i had boiled beef shanks (bulalo). I added some egg noodles and made it as my instant soup. since i have just been in bed, i had my lunch around 2pm to 4pm.

    i remember when i was sick during my younger years, my mom looked after me. she will clean me up using lukewarm water with alcohol and wiped me up with a face towel. she served me with skyflakes and royal tru orange. i don't know what was in that royal tru orange drink but it sure made me feel better. ha!

    feeling nostalgic, i rang my mom. she was worried as i have not taken any medication. i said i can't drive to the doctor nor to anywhere else. she asked me if i can ask a friend to buy medicines for me. i snickered. who will do that for me? i am the type of person who would rather not get what i want or need rather than ask a favour from someone else. my mom said it wasn't a favour after all. i am sick, she said. well, i have no one to do that for me. monday morning, i received a text message from a friend, asking me if i want them to visit me or if i need anything. they live too far from me but that gesture gave me a smile.



    it was really an agony everytime i cough. so i decided to buy some OTC meds in the supermarket. had this rapid relief panadol and the panadol cough and flu lemon drink. i religiously took the meds every 4hrs. i didn't even bother to set the alarm in the evening to remind me to take the meds because i am awake every hour, anyway.

    right after taking the meds, i noticed i had this terrible case of diarrhea. yeah right! then suddenly, my period. severe bleeding. heavy bleeding. everytime i cough, i can feel them flowing. that was sunday.

    i didn't work for two days and decided to work on wednesday. but the bleeding wouldn't stop. im starting to feel dizzy. there's too much loss of blood. as if the world around me is moving. i asked my manager if i can go to the doctor and will just work extra hours in the evening. he said i don't have to work extra hours.

    i was at the doctor's clinic half past 3pm. i finished at almost 6pm. well... actually, not really finished because they asked me to wait after they have given me the scripts. the doctor asked me to come back from the chemist so she can give me her request for chest x-ray which needed to be done today. but when i went back to her, i was told she's having her tea. and im starting to get dizzy and i need to change my nappies (heh!) so i asked them to just mail the request to my home address. i wonder how hard it was for her to give it to me altogether with the scripts so that everything is finished so i don't need to come back to her then.

    btw, if you go to the doctor after office hours or on weekends, they charge you extra $5. and when you get your meds in the chemist after office hours or on weekends, they charge you extra $2 for every script. how is that?

    i got a bagful of meds with me... as if i went shopping. total all in all, for 3months supply of meds, $415+. and being a nz resident, i paid only $36. just like paying $12 per month for my meds. nothing beats that!

    this morning, i rang again work. my boss was surprised that im not coming back to work again. after explaining to him about the heavy bleeding and really feeling weak now, he said he will be happy that i get all the rest and come back on monday. he said he knows how dedicated i am with my job but he would prefer to see me when i feel better. it really pays to be good at work. you don't have difficulty asking for some time off.
    posted by kiwipinay @ 7/17/2008 01:23:00 PM   | |

    StumbleUpon
    Friday, July 11, 2008
    down with flu
    ang tindi ng dumapong trangkaso sa akin ngayon. halos may dalawang taon din akong hindi na-trangkaso. kaninang pag-gising ko, ang sakit ng mga kasu-kasuan ko. pero kailangan akong pumasok dahil may report akong kailangang isumite kay terror na bossing.

    pero juice me! kahol ako ng kahol. ang ilong ko, namumula ka kakasinga. (pasintabi lang po) ang mga mata ko, ang lamlam-lamlam na at nagluluha. di ko na talaga makakaya. nagpa-alam akong uuwi.

    dapat sana ay didiretso ako sa doktor pero di ko kayang mag drive hanggang dun sa clinic kaya umuwi na lang ako. ang taas ng lagnat ko... 39deg. giniginaw ako kahit na naka-heater. kung huminga ako, sa bibig na kasi barado parati ilong ko. ang hirap kapag ganitong may sakit ka at nag-iisa. naalala ko tuloy inang ko kapag may-sakit ako.

    masyado yata akong na-stress kagabi. pasado alas dose na kasi ng hatinggabi, nagagalit ako sa kapatid ko pero ang kausap ko ay ang inang ko. nalulungkot ako kasi parang di sya apektado sa baba ng palitan ng dolyar at kung makagastos ay ganun-ganun na lang. para bang dapat, sapat pa rin ang padala mo sa kanya tas malaman mo tatlo telepono nya, may private wireless phone pa sya, at may kutob pa akong naka-laptop pa dahil sabi ng inang ko ay may bitbit parating itim na parang briefcase. ano kaya kung bigla kong putulin ang pagpapadala? ano kaya kung may mangyari sa akin dito? gaya na lang nung martes, muntik na akong banggain ng rav4 sa likod. kakaliwa kasi ako pero may tumatawid na matanda at bata, shempre, give way ako sa kanila. nang marinig ko na lang ang isang malakas na pag preno at muntik nang sumadsad ang rav4 sa bangketa kundi baka tinamaan naman din nya yung dalawang tao. bad trip ako. buti na lang, malakas ang break nya. siguro ay mabilis ang takbo netong rav4 kasi alam ko ay malayo sya sa akin at baka may iba ring iniisip. hay nako! ang hirap!
    posted by kiwipinay @ 7/11/2008 07:53:00 PM   | |

    StumbleUpon
    Wednesday, July 09, 2008
    double triplets!
    aliw na aliw ako kapag nakakakita ako ng mga batang kambal. lalo na kung parehong babae or parehong lalaki at pareho pa ng kulay ng suot. ang hirap tandaan. ang hirap kilalanin. may pinsan ako, pareho silang lalaki, hirap na hirap akong tawagin kasi di ko makita ang pagkakaiba na sinasabi nila. pero yung mga kapatid naman nya at siyempre, yung nanay, alam kung sino ang sino sa kanilang dalawa.

    sa father side ko ang lahi ng mga kambal. sa mga pinsan ko, dalawang set ng kambal meron. may balita rin ako na may kapatid ako sa ama na kambal din daw. yung babae raw ay kamukha ko. hhmmm... ganda siguro nun!

    pagdating ko dito sa nz, ang dami kong nakitang mga kambalin. marami rin ang triplets. may ginawa pa nga silang parang "family day" para sa mga twins/ triplets at iba pang multiple births dito sa auckland.

    ang hirap sigurong mag-alaga nun? isa nga lang, balita ko ang hirap na lalo na pagdating na ng 2yrs old ng bata. paano na kung dalawa yun o tatlo pa kaya? wag na nating isama ang apat o lima dahil bihira naman daw yun.

    pero paano na lalo kung ikaw ay magka-anak ng triplets ng dalawang beses? laban ka? natanggap ko ito kanina galing sa isang kaopisina. etong batang nanay na ito ay unang nabuntis ng edad 14. in the next 2 years, nanganak sya ng triplets ng dalawang vezes! masyadong fertile ireng batang ire! ang maluknot pa nun, yung ama ng unang anak nya ay inabandona sila. yung pangalawang ama naman, ama nung unang set of triplets ay pinalayas dahil binubugbog ang pobre. yung second set of triplets, ewan ko na kung sino ang ama. lalong hindi ako.

    sabi ng kaopisina ko, kung sya raw ang tatanungin, dapat daw ay nung unang pagbubuntis pa lang ay natuto na etong batang ina na ito na itinikong ang kanyang mga legs para di na raw nagbuntis. well, i reckon that's another story. but the good part is, mabuti at di nya naisip na ipalaglag ang mga bata. tingnan mo naman yang pagkaka-kyut-kyut naman pong mga bata! tsaka tingnan mo yung panganay nyang anak.. kuya na kuya na ang dating.

    sinuportahan naman ng gobyerno etong si pamela (yung batang ina) at binigyan sila ng lupa at bahay nung unang vez sya na nanganak ng triplets. pero sabi ng mga ka-barrio nya, dapat daw yata ay turuan etong batang ina na ito ng contraceptives. sabi naman daw ng nanay netong si pamela, dapat daw ay ma-ligate na etong anak nya para di naraw manganak pa ulet. kaso, according to their argentinian law, di raw iyon naaangkop sa isang menor na edad. sus! eh my gulay! sa edad nyang 16, pito na anak nya, paano na kung pagsapit nya ng 25? ako, 26 na, ala pa kahit isa! arekup!


    eh paano naman kung ganito mangyari? unang anak mo ay kambal... tas sunod eh sextuplets????? haaayyyy.... ako kaya? naalala mo pa ba yung hula sa akin nung araw?






















    MULTIPLE BIRTHS:

    New Zealand statistics on twins and triplets



    * There are approximately 55,000 sets of twins and 840 sets of triplets in New Zealand.
    * Around 860 sets of twins and 18 sets of triplets are born every year in New Zealand.
    * One in 3000 births produces triplets. Quadruplets and quintuplets are rare - five sets in the last eight years.
    * Only as few as 4-5% of multiple births are the result of assisted reproduction.
    * One in 80 births produces fraternal twins.
    * Women who have had fraternal twins are four times more likely to conceive twins again. Daughters of women who have had fraternal twins are 1.8 times more likely to have fraternal twins themselves and sisters of women who have had fraternal twins are 2.6 times more likely. Fraternal twins are directly inherited through the mother.
    * It has now been established that in some cases identical twins may run in families. However, in most cases they just happen and are, so to speak, the work of nature.
    * Twins do not 'skip' generations and can often be born in every generation.
    * Triplets and quadruplets can be a combination of identical and fraternal babies.
    * The likelihood of twins increases with age. The average age of a mother having twins today is between 25-29 years.
    * In New Zealand, it is now more common for a woman to have twins in a first pregnancy than it was ten years ago.


    For triplets, Work and Income pays for a nanny for 1560 hours over two years. For twins, it pays for 240 hours.





    **source: http://www.littlies.co.nz
    posted by kiwipinay @ 7/09/2008 12:37:00 AM   | |

    StumbleUpon
    Friday, June 27, 2008
    better go home and plant camote
    buhay pa ba yang kasabihan na yan? madalas ko yang marinig nung nag-aaral pa ako eh. yan yata ang sinasabi kapag nangangamote ka sa recitation o kaya sa quizzes.

    speaking of camote... di mo ba nami-miss si ula? nyahahhaha!! 'day! nung lunes, wala sya. sabi ko sa sarili ko, sana ay may interview na sya para sa ibang work.

    i may sound harsh pero talagang nakikita ko na nag-i-struggle sya sa trabaho. binibigyan ko na nga lang ng madadaling tasks pero 'day! kung marinig mo lang kung paano sya magbuntunghininga.... napakalalim. ramdam na ramdam mo na stressed sya. eh maryopes! partida na nga ang gawa nya. easy-easy na nga lang yung ginagawa nya, care pa nyang magbuntunghininga? aba! tapos kapag tatayo na yan para umuwi, nakow! kung maisaldak ang mga gamit sa drawer nya, bagsak-bagsak lang sya. tsk! tsk! tsk! di na lang ako kumikibo.

    tinanong ko nga yung isang kasabay nyang bago na pana kung ano ang mga sinasabi sa kanya tuwing break time nila. panay lang sya hinagpis ano? tatawa-tawa si pana. oo nga raw.

    kahapon, since late ako mag-umpisa, mga 9:30am, at sila ay 8am, may nakalusot na labahin. aba! ambisyosa ang lukresha! kinana nya ang labada! eto na po, kanina, may lumapit sa aking taga kabilang section. paki tingnan ko raw at "tila" may hindi tama.

    tama! tama si kabilang section. at hindi lang "tila". sadya pong napakarumi ng kanyang labada! parang sinabotahe ang itsura! tinanong ko si bulldog kung tinanong ba sya netong si ula nung naglalaba. hindi raw. punta ako sa kabilang departamento kung kako tinanong sila. hindi raw. aba! nagmagaling ang ula! kinana ang labada eh hindi naman dapat labhan kasi dapat ay dry cleaning lang! sus! pero may ibinulong si bulldog sa akin. magre-resign na raw. hindi ako nagulat. natuwa pa ako. sabi ko nga kako nung lunes na hindi sya pumasok, sana kako ay may interview sya para makahanap na sya ng ibang trabaho na makakaya nya.

    lapit ako kay terror na boss. ipinaliwanag ko ang aking mga nasaksihan pero kako pala ay magre-resign na. oo raw. since one month notice ang resignation, medyo matagal-tagal pa rin yun ano? sabi ko kay terror na boss na hindi na ako happy na bigyan sya ng labahin. tanong naman agad ni terror na boss kung ano raw gusto kong ipagawa sa kanya. well... mag-e-email ako sa kanya at i-cc kita. bahala ka na kung ano desisyon mo. susme! inabot po ako ng alas nueve para ilitanya sa kanya ang mga ginawa nyang palso sa paglalaba. aba! ni hindi yata marunong magkusot eto eh! ang tagal kong ni-compose ang email ko. ilang vezes kong inulit-ulit na basahin at ilang vezes ko ng ni-rephrase ng ni-rephrase at disimulado naman kahit papaano. ang haba ng email ko dahil ipinakita ko pa mga pruweba sa kanya.


    sabi daw kay bulldog ay babalik na raw ng singapore at gusto raw mag-relax. nyahahahaha!! di nya nakayanan ang pressure! di nya nakayanan ang challenge! naalala ko tuloy yung comment dati ni rhapsody, pauwiin na raw sa bayan nya. mwehehehehe... lagot ka.. ayan tuloy at uuwi na nga!
    posted by kiwipinay @ 6/27/2008 02:08:00 AM   | |

    StumbleUpon
    Wednesday, June 25, 2008
    nag-uunos na hangin!
    sus mio! nagngangalit ang hangin sa lakas at may kasama pang ulan! sa sobrang lamig ngayon, umulan ng yelo sa auckland. pag-uwi ko kanina, napansin ko, ang daming butil-butil na puti sa hagdan paakyat ng bahay. wari mo ba ay mga asin na ikinalat. tinitigan ko pang mabuti. yelo! yelo nga! hahaha!! gara! nakangiti ako habang umaakyat, para akong tukmol. eh lam mo naman ako noh? ang babaw ng kaligayahan ko. dangan kasi at di pa ako nakakakita talaga ng snow kaya kahit hailstorm ay masaya na ako.

    pati mga daliri ko, eto at naninigas na kala mo ay nakababad sa yelo! super lamig talaga naman po. naka-beanie na ako dahil giniginaw bumbunan ko. balot na balot ako ng jacket, at naka-trackpant at sabayan mo pa ng medyas! maryopes! paano na yan? eh andito pa lang ako sa auckland anoh? paano na kung mapunta ako ng south islands? eh ibinibida pa naman ng mga ka-tsokaran kong sales reps, hi there, from the snowy land of nz! yeba!

    miyerkules na. ilang araw na lang ay training ko na. may binubuno pa akong online training as prerequisite para sa actual training. sus me! sana naman ay makapasa po ako!

    makaubos oras din ang raket kong work from home. hanube! no more taym for labing-labing! sus! kapag nakaungus-ungus na ako dito, hopefully ay madagdagan ang raket ko. yeba!
    posted by kiwipinay @ 6/25/2008 12:40:00 AM   | |

    StumbleUpon
    Tuesday, June 17, 2008
    too much to carry!

    'day! sobra na 'to! di ko na carry noh?

    may natanggap akong email galing kay terror na bossing. ako'y kanyang mega congratulate at isa ako sa mga napili na maipadala sa isang kapita-pitagang training na ibinibigay ng kumpanya sa mga piling-piling empleyado. lekat na yan! bigla po akong dinaga. ang laki ng expectation sa akin netong terror na bossing na ito! bukod sa email, at hayagang pag-congratulate sa akin sa aming meeting at kanyang in-announce ang balita, ako'y kanya ulet na nilapitan sa aking desk at tinapik sa balikat sabay bulong "i have included you there for a reason, okay?" sabay tingin ko sa kanya at nagtama ang aming mga paningin.... ang mga asul nyang mata na nangungusap na siya nawa'y huwag kong ipahiya. nyahahahahhaha!!

    malupet ang training na ito. kung baga sa karate, color-coding ang training. ako'y kanyang ipinasok agad sa green belt. ang pinakamababa ay white at yellow belt. juice ko 'day! medyo malupet ang requirement. excited ako at the same time ay dinadaga! asan ba si gregory?




    **image courtesy of wikipedia.com

    posted by kiwipinay @ 6/17/2008 10:50:00 PM   | |

    StumbleUpon
    Thursday, June 12, 2008
    samoa going gaga over gulong ng palad!



    i have been asked many times by my samoan workmates if i am a filipino. the reason behind it? they want to know where they can buy dvds of gulong ng palad and sa piling mo.

    i was a bit surprised because the gulong ng palad that i know was played by ronald corveau, who was my father's customer in our family business during the late 70's and for which i even have his autograph (yay!), and marianne dela riva. i didn't know that there is this new series being played by kristine hermosa and another new guy, tj trinidad. i was told that these two movies are really making waves in samoa. apparently, it all started in fiji where a fijian watched it and shared the dvds with a samoan friend and this samoan was able to get an copy and sent it to his relatives in samoa and from then on, those dvds were handed down from one household to another.

    this afternoon, while taking my afternoon tea, another workmate asked me again if i am filipino. she said that GNP is being shown on tv in samoa every night and when it's time for GNP, every one just literally stops what they're doing. she said the streets are deserted and every one wouldn't want to miss a scene.

    out of curiosity, i tried to google this GNP and i found this and this! how is that? there's even one famous samoan singer, whose latest album was inspired by the movie sa piling mo. and look at those bebo pages they created? bebo is like friendster, or myspace or facebook but bebo is most popular here in nz and samoa.

    have a look at those bebo pages! you'll get amused reading their comments!


    some comments i saw in bebo:


    ohh..maah gawsh!..:O

    ii soooo luv thyss` movie..:( :D evn though i forgot to turn on da bluddy subtitles buh mayn iht so made me CRY!..:(

    my olda brada`sz in Samoa got me into thyss`!..:L

    luv thaa` movie..luv Carding..:L :P :D



    Daniel Kiripati
    I cant get my brother and sister off the cough because of this movie!!and guess what??its not in English??hahahaha everytime im over my friends or in public I hear people talking about it!!Can someone tell,what I dont know about these movie here,why so many people are addicted to it!I cant even watch TV anymore cause them movies are taking over our TV at home.......Im surprise dat my brother is actually watching TV hahahahaha


    H O N K
    :L MY AUNTYZ ARE CRAZY OVA DIZ MOVIE!!LOL:L
    :D NW I KNW WHY!!LOL:D


    Christina Lilomaiava
    Dis movie is da best

    People watch dis but get ur

    tissue ready hahahaha


    I'm residing in NEw Zealand but my cousins from Tonga send the dvds.. I spent 3 whole days watching it with breaks in between to go to the loo :L :L

    I LOVE this show.. MAHAL MAHAL KITA to all fans ot there.


    Norah-Faye
    i love this TV series! Though i have to admit it was emotionally exhausting! I think the actress that acted Mimi was really good i really wanted to reach into the tv and strangle her and in the end i really thought she was psycho!


    Lisa Green Iosefo
    hi everyone I LOVE GULONG!!!!!!!! i even downloaded the songs without a clue of what it means...it just brings tears to my eyes


    anywho anyone got pics of Diego...omg i love him

    i miss u Luisa and Carding!!








    well? what can you say? filipino movies are making waves in the islands! kewl azzzz!!!



    posted by kiwipinay @ 6/12/2008 11:14:00 AM   | |

    StumbleUpon
    Wednesday, June 11, 2008
    peks man! kros my hart!



    ayayay!!! mission accomplished!







    Sumayaw, sumunod ka sa indak ng panahon




    Kasabay ng mga bagong tugtugin ngayon




    Sumayaw, sumunod ka sa indak ng panahon
    Makisama, mag-enjoy ka, ngayooooonnnnnnn......












    tuwang-tuwa ako ngayong araw na ito dahil ang aking pinakamimithing apila na pay rise ay ibinagay na rin sa wakas!

    kaso, bago ibinigay, may pasakalye muna ang bago kong amo.

    ayaw daw akong bigyan ng kumpanya ng increase dahil mataas na raw ang aking starting rate kaya hindi raw ako qualified sa 6th month review chuva! ipinaglaban daw ako ni terror na bagong manedyer at ako raw talaga ay isang super star! nyahahahahhaa!! (pero hindi po si ate guy ha?)

    kaso, bago raw nya pirmahan ang papeles, ako'y kanyang ipina-peks man kros my hart na wag ko raw ipananabi sa iba na ako'y nabigyan ng increase! hahahaha!! takot na takot ang mga lekat at baka mag-alma ang iba. eh sabi ko kahit naman kako yung hiring rate ko hindi ko naman ipinagsabi ano? oo raw. pero gusto raw nya marinig sa bibig ko ang peks man! nyahahahahah!! aliw!

    suma total? retroactive ang aking pay increase mula noong marso kung kailan naging 6th month ang aking pagkaka-empleyo. yaaahoooo!!! at! di lang yan... may kasunod pang increase sa july! yeba! God is really, really, really good! really! tenk yu po, Lord!



    posted by kiwipinay @ 6/11/2008 11:13:00 PM   | |

    StumbleUpon
    Sunday, June 08, 2008
    mami-miss pala kita part 2
    ang nakaraan

    hindi eto ang usual na gregory. laging ubos ang kanyang kainan tuwing pinapakain ko sya. hmmpp!! saan ka galing? tanong ko sa kanya.


    isang mahingang "engg...." lang ang sinagot ng mokong.

    napagpasyahan ko na tawagan na ang may-ari at sigurado kong sabik na rin sya sa kanyang alaga.

    "good evening! im your neighbour at 1 bar 49."

    "oh.. hello..."


    "has gregory been back to your place?"

    "oh yes.. he came back about 5 minutes ago"

    napabunghalit ako ng tawa!

    "is that so? he is here right now."

    "oh! he left again? that means he just showed up here and then went straight to you. I'm thinking he might have been into a house and then the people left on a holiday since it's a long weekend. and probably when they came back tonite, that's the time that gregory was able to leave that house. i gave him food and boy! he was really hungry. he ate a lot!"

    tawa na naman ako ng tawa. "i just gave him food, too, coz i thought he might be hungry but then he only finished half of his food which is unusual. coz he doesn't usually have any leftovers"

    "he ate again at your place? oh my! he just finished heaps of cat food!"

    "do you have any family with you there?"

    "no, i live alone."

    "i wonder why he likes your place. maybe he thought your place is where he belongs. coz i don't think he likes it here. he doesn't like the other pets here".

    "why? how many do you have?"

    "i have 2 dogs and 2 other cats. the other big dog recently died of cancer and i got a new one but gregory doesn't like this new dog. this new dog is very playful and he likes to play with gregory but gregory doesn't like him. maybe the reason why he frequents your place because he is the only pet and it's quiet in your place".

    "yes, i think so, too. he doesn't really do anything here except sleep, sleep, and sleep. i bought him some toys but after a while, he doesn't like them anymore. and when he wants to leave the house, he just sit by the door and then i would know that he wants to go out."

    "are you happy that he stays there with you tonite?"

    "i don't mind. but i thought you might have missed him that's why i rang you. you can pick him up if you want to."

    "my! if he is happy to stay there for the night, i will let him stay there. how about ringing me in the morning when he leaves? and ill wait for him to come home by then. well... at least if he goes home straight to me."

    " ok.. no problem."

    si gregory pala ay isang rescued cat. pag-aari sya ng isang mag-asawa sa may kanto na lumipat na ng tirahan. kaso ay iniwan lang si gregory. natagpuan sya netong si B (yung matandang amo ni gregory) mga may 2 linggo na ang nakalipas nung umalis ang mag-asawa. mailap si gregory nun. pero nagawan ng paraan ni B na mapa-amo at ampunin ang pobreng pusa. pinapakain nya at binigyan ng sariling higaan si gregory. at dahil may ibang mga alagang hayop si B, tila di feel ni gregory na may mga kasama. loner yata ang mokong. no wonder, parati kong nakikita si gregory sa bangketa at nag-lalarong mag-isa. nung isang araw na papasok ako sa trabaho, nasilip ko sya dun sa harap bahay ni B, mag-isa lang at nakatunghaw sa daan. feeling untouchable daw ang gregory gayong nakikisampid lang naman din daw sya. kaya raw siguro gusto sa lugar ko dahil tahimik at walang ibang alagang hayop. oo nga kako. pero tutulug-tulog lang naman sya dito. pero nakakatuwa lang kako dahil pag-uwi ko, makikita mo sya na naghihintay sa akin kahit na umuulan.

    di nagtagal, eto ang gregory, nakaabang sa may pintuan. gustong lumabas na. alas diez na ng gabi.

    tinawagan ko ang may-ari ulet.

    "hi.. it's me again, your neighbour at 1 bar 49. gregory wants to go out now."

    "okay.. hopefully he goes home to me then. is it alright with you to open the door and let him come out?"

    "oh yes, that's fine."

    "thank you for ringing me. na-night!"

    dyan ako sa unang unitat eto na nga po. pinalabas na ang gregory. takbo ako sa kwarto ko para makita ko kung papa-saan ang punta ng gregory. umupo muna sa may ibaba ng hagdanan. di nagtagal, dahan-dahan na syang lumabas ng driveway. dapat ay kakaliwa sya pauwi sa kanila. dumiretso at tumawid sa kabilang bangketa. baka dun na lang sya liliko pakaliwa. dumiretso pa rin. sabay talon sa bakod ng katapat-bahay ko. ahh... tipong marami pa syang bibisitahing kabahayan.


    yan si gregory... sa character niya, im sure, he'll be able to survive on his own.
    posted by kiwipinay @ 6/08/2008 12:24:00 PM   | |

    StumbleUpon
    Saturday, June 07, 2008
    mami-miss pala kita
    may kasabihan, kapag daw ang isang bagay o tao na kapag nawalay sa yo o nawala, dun mo lang kadalasan mare-realize ang kahalagahan nya.


    may kumatok sa may pintuan sa may kusina nung weekend, bandang magtatanghali na. kala ko yung mga kapitbahay ko lang sa flat. isang pakeha (caucasian descent) na matandang babae, maliit lang sya mga less than 5ft., maikli ang buhok, sa wari ko ay may mga edad 60 mahigit. hinahanap nya si gregory, the cat. o-ohhh.... sabi ko sa sarili ko. pers taym ko lang syang nakaharap. nung sinabi ko na wala sa akin si gregory, sa facial expression nya ay parang di sya naniniwala at akala siguro ay itinatago ko lang sa kanya. sabi ko ay narito nung bandang huwebes pero mula noon ay di pa bumabalik. dun lang sya medyo nagbago ng itsura. at sabi nga ay may dalawang araw na raw na hindi umuuwi si gregory.

    kitang-kita mo naman sa matanda na alalang-alala siya sa pusa nya. napa-away daw ang pusa at baka kung saan inabot. ayaw daw nyang mawala sa kanya si gregory at dadalhin pa nga raw sana nya sa vet dahil nga ay napaaway. (sus! sa loob-loob ko. ang pusa sa bayan namin, ke bugbog na ang pusa at sugatan sa away ng mga kapwa pusa nya, kesehodang dalhin pa yun sa vet noh?) wala kasing tag yung pusa at mabait naman sa mga tao. kaya kung may nakadampot sa kanya dahil gagala-gala etong si gregory, hindi alam kung saan sya nakatira. para naman di na gaanong mag-alala ang matanda, tinanong ko kung gusto nyang iwan ang kanyang phone number para kapag napadaan ulet dito si gregory ay tatawagan ko sya. mabuti pa nga raw at umalis na sya matapos na maisulat ang numero. di naman pala sya kalayuan sa lugar ko. mga tatlong bahay ang pagitan namin.

    martes ng gabi, nanonood ako ng tv. malamig ang panahon kaya sarado lahat ng kabahayan. sa panonood ko, may narinig akong ngiyaw ng pusa. mahina ang dating sa akin kaya akala ko ay nanggagaling lang sa tv. pero wala naman akong makitang dahilan sa panonood ko na magkakaroon ng pusa at tila amazing race 12 yata ang palabas. (oo, korek ka dyan! huli kami sa mga palabas dito sa nz) in-off ko ang volume ng pc at aking pinakinggan ulet. wala akong marinig. di ako gumagalaw sa pagkakatayo ko. malakas ang pakiramdam ko na nanggagaling sa labas ang ngiyaw pero di ko mawari na si gregory yun dahil hindi ngumingiyaw yun ng pagkalakas-lakas. napaka-tipid sa ngiyaw netong pusa na ito sa totoo lang. kung gusto nyang pumasok sa bahay, hindi ngiyaw ang maririnig mo kung mahinang tunog lang na... "enngg.... enggg...". hahahaha!! kalalaking pusa pero mahina ang ngiyaw nya. sweet image kumbaga.

    kinuha ko ang bungkos ng susi ko. inalog ko ng inalog para ipahiwatig ko na bubuksan ko ang pinto. yun ang aming senyales sa isa't-isa. minsan kasi ay sa harap pinto sya nagpupunta pero dahil sa gabi na at madilim, ayaw kong buksan ang pinto sa harapan. kaya dun ko aalugin ang bungkos ng susi sa likod bahay para alam nya na dun sya paparasok. makikita mo naman na kandaripas sa pagtakbo ang pobre mula sa harapan papunta sa likod bahay. aliw! kaya eto, narinig ko ulet na ngumiyaw na pagkalakas-lakas naman po ang gregory. para bang talagang pinakalakas-lakas nya para eka siguro ay akin syang marinig. pagbukas na pagbukas ng pinto, ayun! humahangos pa at sabay pasok sa may kusina. walang sabi-sabi, dire-diretso sya na kala mo ay kanya ang bahay.

    pagkasara ko ulet ng pinto, lapit sya sa akin at ikot ng ikot. tuwang-tuwa ako nang makita ko sya ulet. ibang pagkatuwa dahil nga ang alam ko ay nawawala na sya. mula nung pinuntahan ako nang tunay na amo ni gregory, di na sya mawala sa isip ko. saan na kaya sya napunta? sino ang nakadampot sa kanya? babalik pa kaya sya? may mga istorya akong narinig na ang pusa raw ay kahit na iligaw mo, makakabalik at makakabalik pa rin daw sa kanyang tunay na amo. wari ko ay gutom si gregory. gusto kong tawagan agad ang may ari pero nagdadalawang isip ako. gusto ko munang makasama si gregory ng matagal-tagal bago kunin ng may-ari. naisip ko na baka gutom ang mokong kaya naisip ko ay pakainin ko muna bago ko itawag sa may-ari. buti na lang at may natitira pa akong cat food. pinakain ko. naku! parang sabik naman ang mokong sa pagkain. pero di nagtagal, lumayo na sya at nag-umpisa nang maglinis ng kanyang katawan. hhhmmmm... ang daming natira. hindi eto ang usual na gregory. laging ubos ang kanyang kainan tuwing pinapakain ko sya. hmmpp!! saan ka galing? tanong ko sa kanya.











    ** itutuloy... (luluto muna ako)
    posted by kiwipinay @ 6/07/2008 03:29:00 PM   | |

    StumbleUpon
    Twit-Twit Updates
    Ang Nakaraan
    Halukayin ang Baol
    Kompyut-Kompyut
    Miyembro Ng




    Salamat Po
    Mga Pa-Eklat



    Enter your email address:

    Delivered by FeedBurner







    My BlogCatalog BlogRank





    Template by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER